ANG ALAMAT NG WIKANG FILIPINO ni Virgilio S. Almario
ANG ALAMAT NG WIKANG FILIPINO ni Virgilio S. Almario Kung mamarapatin, isa itong personal na gunita tungkol sa isang napakadramatikong yugto sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Ito ang ilang taon bago ang kumbensiyong konstitusyonal noong 1972. Niyanig noon ang Surian ng Wikang Pambansa ng iba’t ibang uri ng protesta. Una ang mga sulating kontra-Pilipino na gaya ng kay Geruncio Lacuesta simulang 1964 na “purista” ang Surian at dapat dagdagan ang mga titik ng abakada upang madaliang tumanggap ng mga hiram na salita mulang Espanyol at Ingles. Ikalawa, ang tahas na habla ni Kongresista Inocencio Ferrer ng Negros Occidental, mulang 1963 hanggang 1970, na tumututol sa pagpilì sa Tagalog bilang batayan ng Pilipino. Ikatlo, ang paglabas ng Maugnaying Talasalitaan ng Lupon sa Agham sa pangunguna ni Gonzalo del Rosario na umimbento ng mga salitang pantapat sa mga katawagang pang-agham at teknolohiya, isang gawaing higit na nagpati