Si Marcelo (Ikalawang Kabanata ng Nobelang Ang Anak ng Kardenal mula sa Italya) ni Felix Guzzoni Halaw at Salin ni Gerardo R. Chanco
"Pakinggan mo," ang magiliw na sambot ng binata, at hinawakan sa dalawang kamay ang kaniyang kasi, saka nagpahayag ng ganito: "Ako'y malaon nang naanib sa Katipunan ng mga Makabayang Romano, isang lihim na samahang ang layon, ang pinakaunang dakilang layon, at iguhit ang walang kasinsamang pamahalaan ng Papa rito sa Roma. Sa huling pulong na idinaos namin ay napagkaisahang kami'y gagawa sa loob ng labinlimang araw ng isang pamahayag laban sa ating gobyerno, at napagkayarian pang ang malawak na Liwasang Kolonna ang siyang pook na unang pagtitipunan. Kaninang umaga isinagawa ang pamahayag. Libo-libong tao ang nagsisama at nagsisigawan kami ng "Mabuhay ang Italya! Maguho ang pamahalaan ng Papa! Mamatay si Pio Nonol" Ako'y Isa sa mga nagtataguyod ng kilusang iyon, at kabilang din sa mga sumisigan Ngunit walang ano-ano'y isang lalaking di ko kilala ang biglang dumalubo sa akin at ako'y binuntal nang ubos lakas sa mukha. Ilang sandali ring na