Villanelle, Shakesperean at Petrarchan
(Shakesperean) Sisilong Sa Bagwis Mo Pag Nanduro Ang Ulan Sisilong sa bagwis mo pag nanduro ang ulan (a) Oh mangingibig sa duklay ng aking pangarap (b) Kahit na umagos ang bahang pantay-kawayan (a) Laging apoy ng iyong puso ang nasa palad (b) Kung isilang ng muli ang bituing hilaga (c) Liparin ang bahaghari sa dulo ng malay (d) Walang pagod na pagaspas ko’y asahang sumpa (c) Laon nang alay sa iyo ang singsing ng buhay (d) Sa buhangin ng ginhawa’y sandaling humimpil (e) Halika’t ikaw naman ang sa bagwis sumilong (f) Ipikit ang mata sa unos na umaangil (e) Matulog, sinta, sap ag-ibig kong bumubulong (f) Ang paglalakbay ko’y sa iyo lang humangga (g) Bahagharing minimithi’y ikaw pala, sinta. (g) (Petrarchan) ANG TAO'Y UMIBIG SA AURA NG ALAK Ang tao'y umibig sa aura ng alak. (a) Sa bawat paglagok, nadagdag ang lakas, (b) Para turuan s'ya na maging marahas. (b) Espiritu nito'y dadaan sa utak, (a) Hanggang kaluluwa na siyang wawasak, (a) Sa ta