Haring Midas (Mito mula sa Gresya)
Si Haring Midas, na ang pangalan ay naging kasingkahulugan ng "mayamang tao," ay hindi gaanong nakinabang sa kaniyang kayamanan. Ang pagpapakasasa sa yaman ay tumagal lamang ng isang araw at ito ay naging banta sa kaniyang mabilis na kamatayan. Siya ay halimbawa ng kahangalan na tulad ng nakamamatay na kasalanan. Siya ay hindi naman mapanganib, bagkus hindi lamang ginamit ang kaniyang talino. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita na wala siyang talinong magagamit Si Haring Midas ay hari ng Phrygia, ang lupain ng mga rosas. Mayroon siyang napakalaking hardin ng mga rosas sa bakuran sa kaniyang palasyo. Minsan, naligaw sa hardin ang matandang si Silenus na lasing. Siya ay nagpagala-gala sakay ng tren ng kaniyang panginoong si Dionysus (diyos ng alak) kung saan siya nabibilang at siya ay naligaw. Ang matabang matandang lasing ay natagpuan ng lang tagapaglingkod ng palasyo na natutulog sa taniman ng mga rosas. Napagkatuwaan nila na igapos si Silenus ng malarosas na panali at sinuot
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento