Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya
Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya
ni Arleen Carmona
Bulacan
State University
Fil102:
Wikang Filipino Bilang Wikang Global
“Hindi
magiging wika ng lahat sa bayang ito ang Kastila, hindi ito masasalita ng bayan
kailanman sapagkat wala sa wikang ito ang pariralang katumbas ng mga dalumat sa
isip ng bayan at ng mga damdamin sa puso nito… habang napag-iingatan ng isang
bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang
paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan, upang
mapanatili niya ang kanyang sariling paraan ng pag-iisip.”
– Simoun, mula sa
El Filibusterismo, salin ni Virgilio Almario (1995)
Ang
wika bilang pahayag-pahiwatig, impukan-kuhaan at daluyan ng kabuuan ng isip,
damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan ng isang kalipunan ng tao.
-Zeus Salazar,
Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino
(1996)
WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA
“nais q po sna hmingi ng payo ab0ut s knkharap namin ng mr q0 tungk0l s mliit naming bsness n gr0cery,sna po mpyuhn nyo aq,gani2 po un..year 20o8 po ngng mgaswa km,my tndhan po xa s plengke,ang nagmamanage po ay ung nanay nia,hnwkan q po un nung knsal km,wla dn po ganu laman tndhan nla,ang benta po is 2o0o o ms mbba pa pg weekdys,4o0o up naman pg sundys,ang hnuhulugan lng po nla ay bumby 2o a day at co0p 2o0 a day dn,ngaun po s kgusthan qng mpalago ang tndhn,nangutang po km uli s c0op 70taw in 6m0nths,dmame po lman ng tndhn pero mga ilng m0nths lang po ngtagal,ntuto po kming mgsanla ng alahas.pati lupa nkpgsanla dn km,,kumuha po q ng hulugang m0t0r nun,15o0 a m0nth hulog,3yrs to pay,mer0n dn po xa jip na pnpasada,pero knya po un,nkpgsaudi po kc mr q..pero mhna po byahe,lhat s tndhn knkuha,tp0s i2ng september 29,2011 ung knukhaan q po ng 5,6.nagal0k po uutang s puregold credit card 1m0nth 2 pay,10percent po pat0ng,cnubukan q po,nakakuha po km ng 69taw po that tym lumks naman po ung benta ngng 5taw n po a day,7taw sundys,aun po,nkbyad naman po km kas0 nagsimula n po km mangutang s iba pampun0,evry m0nth po ganun at gnun,nkakbyad nga po q,kasu nghahnp po aq ng pampun0,npadgdgan namin ung c0op 10otaw n utang namin tp0s nkautang po q s mga lending,nun dec 2011ang lake po ng nkuha qo s creditcrd mhgt 135taw wla p ung tub0 dun,nsh0rt po tlga q s pmbyad,hal0s lht po nautangan namin,para pmpun0.d namin alam ang gagwn..ang dae q po utang,pero tul0i pdn po q s pangungutng para ilaman s tndhn.e2 pong May 2012 gnwa po ung plengke inlbs po km s kalye,npnta po km s pnkbungad,ang gnda po ng benta,hal0s nkaka 10taw km weekdys 20taw sundys,kmuha po q hulgang wachng mchne at ref,p2lui pdn km s pgkuha s credit crd,dmami po ang lending q,nagng 3..isang 35taw,isang 20taw at 18taw arw arw q po hnhulugan un 10odys puwera p s co0p 30o,5,6 q po umb0t s 4,2 5otaw at 2 15taw,kumha po q ng hulgang m0t0r 2870 hul0g a m0nth n2ng oct.12 2o12,e2 pong jan 2013 my nagal0k dn po ng creditcrd 1m0nth 2 pay pero mas mbba ung interest 5percent,kmuha dn aq ng 5otaw cash 35o0 naman po interest s 1 buwan,,hngng ngaung May 2013,Ang tan0ng q po kaya q pa po kayng mkaah0n,hal0s lhat ng benta q sa mga utang npupnta,at nangangamba po dhl mlp8 n mgawa ang palengke,m2mal po s lo0b.kaya q po bng mlampasan to?an0 pong mrapat qng gwin?panu q po kya maiaals ang mga utang qo?6 yrs p lng km ng mr qo,naawa po xa sken pg nag iicp aq tngk0l s mga knkaharap q,wla p po kming anak,alam q po mali aq,pero parng d q na mpiglan ang mangutang.tulungan nyo po q,anu po bng libro ang dapat qng bsahn at panu aq mkakapg save?mrming slmat po at sna mpyuhan nyo aq,antayn q po,itag0 nyo nlang po ang pangalan q.”
Ang nasa taas ay sipi lamang mula sa isang buong sulat na ginamitan ng ‘text shorthand’ o pagpapaikli gamit ang istilo ng pagsusulat ng SMS. Hindi ito nagtataglay ng istruktura o pagtatangkang isaayos ang mga ideya na gustong sabihin. Mahirap din intindihin at nakalilito ang mga terminong ginamit. Ang mas nakalulungkot, karaniwan ito kahit sa anyong pasalita sa aming mga seminar at iba pang event. Nakakalungkot talaga na para ng binabaliwala na ang tamang paggamit ng wika maging Ingles man o Pilipino. We’re getting more and more of these types of inquiries across email, facebook and our website/blog comments – both that are really long and those that are only a couple of lines long.
“dmami po ang lending q,nagng 3..isang 35taw,isang 20taw at 18taw arw arw q po hnhulugan un 10odys puwera p s co0p 30o,5,6 q po umb0t s 4,2 5otaw at 2 15taw,kumha po q ng hulgang m0t0r 2870 hul0g a m0nth n2ng oct.12 2o12,e2 pong jan 2013 my nagal0k dn po ng 1m0nth 2 pay pero mas mbba ung interes”
Summary of Letter: Wife asking for advise. They have a grocery store and a jeep. They are caught in a vicious cycle of debt owing based on this letter 400K but earning in sales 50K per month. Rather than fix their debt problems they buy things they ‘think they need.’
Ano
ang problema?
1.
Text
Language
2. Mahirap basahin – nasaan
ang mga pangungusap?
3.
Mahirap
intindihin – malabo at magulo
4. Mali ang terminology
– lending vs borrowing
5. Hindi maayos naipapahiwatig ang naiisip at nararamdaman
“MAY SARILING BALARILA; PAGBABAYBAY -WALANG KAKAYAHAN SS MABISANG PANANALITA O PAGSULAT, LIMITADONG BOKABULARLYO, TALISALITAAN”
Ang wika ay ang pinaka-malakas na kasangkapan sa pag-aaral at sa pagkamit ng tunay na karunugan at kaalaman. Kung ang ating gawi ay paggamit ng TEXT SHORTHAND, papaano nating mapapalawak ang pag-asenso ng ating kakayahan patungo sa pagpaunlad ng hanap buhay o negosyo?. Both in written and oral communication
Ang wika
ay salamin ng ating uri ng pag-iisip.
Kung papaano tayong manalita ay tanda ng ating kakayahan umintindi ng
mga tunguing konsepto pa lamang. Dahil
sa totoo lang mga tunguing konsepto ay sya dapat na basehan ng planong
pagkilos. Anong klase ng pagkilos o gawa ang ating maaashan kung ang
tagapagtupad ay malabo umisip?
Ang mas importante dito ay yaong tanda ng kakayahang mangulo na maliwanag nasisipat sa linaw o labo ng pananalita o panunulat.
Kung ang mga Filipino, na natural na masipag at masigasig, ay makapagpapahayag lamang ng kanilang saloobin nang mas tiyak at malinaw, siguradong mas maraming oportunidad ang magbubukas.
Malaki ang
magiging pagkakaiba kung gagamitin ang mga konkretong salita sa pagpapahayag at
hindi ang mga hindi malilinaw na salita tulad ng ‘kwan’, ‘yon’, ‘ganyan’, ‘yung
ano’, at iba pa.
Mawawala na ang mga pahayag na, ‘konti lang’ upang
sabihin na isang kutsarita lang ang kailangan, ‘malayo pa’ upang magbigay ng
direksyobin sa isang tindahang 10 kilometro ang layo, o ‘sandali lang’ upang
sabihing tatagal lang ng limang minuto ang paghihintay.
Tanggalin na natin ang mga terminong ‘puwede na’,
‘medyo’ – mga pahayag na walang katiyakan na maaaring tanda ng hindi mapanuring
pag-iisip at hindi pagpapahalaga sa pisikal na nangyayari – naka pokus tayo sa
gawa ….pamantayan
May
paghahati yata ang ating kultura.. kilala tayo sa ating pagkatinding panunuri ng kalidad at ganda sa
mga mamahaling kalakal sa pagdadamit, sapatos, alahas at iba pang personal na
mga bagay..... pero di natin iniuutos ito sa ating sariling kalakal;
Tayo ay
napakalinis sa pag-intindi sa ating sariling katawan ngunit para raw tayong
busabos sa pagbabaya sa ating kapaligiran...
Ang tanong, ito ba ay dahil sa kakulangan ng ating wikang Pilipino, o, sa kakulangan sa ating pagtuturo? Anu man ang sagot, obligasyon natin lahat na bigyan ang ating mga mag-aaral ng kakayahan ng tamang panunuri.
Himukin natin ang mga Filipino na sanayin din ang kanyang paggamit sa wika, hindi lamang hanggang sa antas upang makaraos sa pang-araw-araw na pamumuhay, kundi para rin maging epektibo sa lipunan ang kakayahang niyang ito.
Higit pa sa ordinaryong salita, anyo, o pagbikas – hayaan natin ang wika upang maging daan sa mapanuring pag-iisip, malinaw na pagpapahayag, at organisadong paggawa. Sa kalauna’y siguradong hindi magiging mahirap ang pagbabahagi sa ‘Elegant Solution’ at lalaki ang posibilidad na makakuha ng suportang pinansyal, teknikal, at pangangasiwa, upang makamit ang mga mithiin at pangarap para sa isang maunlad na negosyo.
Suma total, yung walang kalinawan o katiyakan sa pag-iisip, walang daratnan!
Sayang ang galing ng Filipino kung di natin isasaayos ang pag-iisip sa tamang wikang Pilipino sa kanyang pang araw araw na pagbatid at pag-damayan sa kanyang kapaligiran.
Masmatindi ito sa larangan ng negosyo. Dahil sa negosyo, di lang kailangan maintindihan ang pangangailangan, mas lalo pang kailangan na maniwala sa kakayahan ng negosyante o entrepreneur ang kanyang mga tagatustos at mga mamimili. Papaano sila magkakaka kumpyansa kung ang entrepreneur ay malabo at di maayos ang pag-pahiwatig.
Sa akin lang po, ang sukat ng isang wika ay yung
makapagbigay ng tunay na pagdama sa bayang Pilipino ang lahat ng ating
mamamayan. Ito lang ang sagot kung nais
natin mapaunlad na walang patid ang ating ekonomiya, na binubuo ng mga
milyu-milyung mamamayan na binubuno ang kani-kanilang negosyong pang hanap
buhay
Ang wika ay ang ating tanging kasangkapan sa pagpapatupad ng isang tunay na bayang Pilipino. (Francisco J. Colayco, “Wikang Pilipino, Maunlad na negosyo)
Ang Intelektwalisasyon ng Filipino
Bagama’t
lumalaganap ang Filipino at yumayabong na ang panitikan na kinakatha sa wikang
ito, nangangailangan pa rin ng kultibasyon sa larangan ng
intelektwalisasyon, Ano ang ibig sabihin
ng salitang ito:
Sa
buhay ng isang wika, ito ay ginagamit sa iba’t ibang larangan. Sa simula, ginagamit natin ang wika sa
ordinaryong pamumuhay, bilang wika sa bahay sa pakikipag-usap natin tungkol sa
mga bagay na pang-araw-araw sa buhay ng isang pamilya at sa ating mga kaibigan,
sa palengke at sa pang-ordinaryong pangangalakal.
Kung
gagamitin natin ang isang wikang pambahay at pambayan sa ibang larangan at
hindi pa tayo sanay sa paggamit nito, magkakaroon ng mga sagabal na kailangan
pa nating lagpasan.
Hindi
lamang tayo nangangailangan ng mga bagong salita lalung-lalo na sa mga sabject
sa paaralan at sa pamantasan, nangangailangan din tayong gumawa ng mga bagong
texto o libro at inilathalang sipi tungkol sa mga paksang hindi pang-araw-araw,
gaya ng mga paksa sa agham at teknolohiya at sa iba’t ibang sabject sa
kurikulum.
Ang paggamit ng isang wika sa larangan ng kaisipan at
ng buhay pang-akademik ay yaong tinatawag nating ‘intelektwalisasyon’. Ito ay bagong tuklas pa lamang at hanggang
ngayon ay hindi natin alam kung anu-ano ang mga dimensyon ng penomenang ito,
kung paano nating mapauunlad ang isang wikang
Hindi
ito matatapos kaagad, sapagkat ang mga taong dalubhasa sa isang espesyalisasyon
at marunong ding magsalin sa wastong Filipino ayon sa antas ng mag-aaral ay
hindi marami. Ito ay isang special gift
at hindi lahat ng mga guro ay sanay sa wastong paggamit ng Filipino. Maraming tao ang kailangan bago makalikha ng
mga kasulatan sa Filipino hindi lamang sa panitikan (marami na ang mga ito)
ngunit gayon din sa larangan ng agham at teknolohiya at sa mga disiplina o
sabject sa pamantasan. Ito ang tinatawag
nating proseso ng intelektwalisasyon at maraming taon ang kailangan natin para
dito.
Kaya
nga sa palagay ko, ang pinakamabigat na gawain ng ating mga patriota o
makabayan ay gamitin ang Filipino para sa intelektwalisasyon at paramihin ang corpus ng literatura pang-agham sa
Filipino sa darating na pitong taon bago tayo pumasok sa ikadalawampu’t isang
siglo ng ating panahon.
Ang pagpapaunlad ng wikang Filipino ay isinusulong dahil sa tatlong pangunahing dahilan. Una, malawak ang gamit ng wikang Filipino hindi lamang sa pagpapatingkad ng damdaming nasyonalistiko. Ikalawa, ang wikang Filipino ay magagamit sa pag-aayos, pagpapatatag at pagpapaunlad ng ekonomiya. Ikatlo, dahil may kakayahang mapalakas ng wikang Filipino ang integrasyong panloob, may potensyal itong maging wika sa globalisasyon. (Andrew Gonzalez, FSC Ang Wikang Filipino sa Taong 2000.)
Konklusyon
Sa isang bansang papaunlad na humaharap sa pwersa ng globalisasyon, marami ang nagtatanong kung bakit kinakailangan pang paunlarain ang wikang Filipino sa iba’t ibang disiplina gayong mas kailangan nating matuto ng Ingles na itinuturing wika ng kalakalang internasyonal. Hindi natin kinakaila at tinatanggihan ang integrasyong eksternal ngunit isang pangunahing kundisyon upang malasap nang lubusan ang mga biyaya ng globalisasyon ay ang lakas ng integrasyong internal. Iilan lamang sa ating mga kababayan ang nakalalasap ng mga biyaya ng globalisayon dahil sa mga kaalaman na natutunan sa wikang Ingles samantalang marami sa ating mga kababayan ay nahihirapang makisangkot bunga ng kawalan ng kaalaman. Ang ganitong sitwasyon ay isang lantarang palatandaan ng kahinaan ng integrasyong internal.
Ang integrasyong internal ay mapalalakas kung ang kaalamang natutunan sa wikang Ingles ay maisasalin sa wikang Filipino. Dahil dito higit na maraming Filipino ang magkakaunawaan at mas marami din ang maaaring makisangkot at makinabang sa biyaya ng globalisasyon.
Kung marami sana sa ating mga pinuno ng pamahalaan, intelektwal, negosyante ay marunong magsalita at magpaliwanag ng mga bagay sa pulitika, ekonomiya, kalakalan at relasyong internasyonal sa wikang Filipino, madaling matatanggap ng mga mamamayan ang anumang panukala na nagmumula sa pamahalaan, pwersa ng bilihan at makabagong teknolohiya. Ito rin ang nagpapalakas ng integrasyong internal.
Tinatanggap natin na ang Ingles ay lalo pang lalaganap sa buong daigdig bilang wika ng kalakalang internasyonal at wika ng iba pang larangan ng lipunan. Ngunit sa paglaganap nito sa ating bansa lalo nating magagamit ito sa ating kapakanan kung isasabay ito sa pagpapaunlad ng wikang Filipino. Gamitin natin ang Ingles sa pagpapahigit ng ating integrasyon sa labas ng bansa kasabay ng paggamit ng Filipino upang humigpit ang integrasyon sa loob ng bansa. Ang mas mahigpit na integrasyong internal ay nauuwi sa pag-ani ng mga biyaya ng integrasyong eksternal ng mas marami naitng mamamayan. Dahil dito, hindi lamang nagiging wika sa globalisasyon ang wikang Filipino, nagiging tunay na susi ito sa kaunlaran. (Tereso Tullao, Jr., Ph.D.,Wikang Filipino – Wika sa Globalisasyon)
Ang Kapangyarihan ng Isang Wika ay makapagdudulot ng pagbabago sa kapakanan ng nakararami. Ang pagbabagong ito ay nagmumula rin sa nakararami kung ang nakararami ay magkakaisa upang makabuo ng isang Wika na may pwersang di kayang buwagin.. -Anonymous
“Ang wika ay ang ating tanging kasangkapan sa
pagpapatupad ng isang tunay na bayang Pilipino. “
Sanggunian:
Francisco
J. Colayco, “Wikang Pilipino, Maunlad na negosyo” Pambansang Kongreso Sa Wika,
2013
Andrew
Gonzalez, FSC “Ang Wikang Filipino sa Taong 2000.”
Renato
Constantino, “The Miseducation of the Filipino.”
Tereso
Tullao, Jr., Ph.D., “Wikang Filipino – Wika
sa Globalisasyon”
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento