Villanelle, Shakesperean at Petrarchan

(Shakesperean)
Sisilong  Sa Bagwis Mo Pag Nanduro Ang Ulan

Sisilong  sa bagwis mo pag nanduro ang ulan (a)
Oh mangingibig sa duklay ng aking pangarap (b)
Kahit na umagos ang bahang pantay-kawayan (a)
Laging apoy ng iyong puso ang nasa palad (b)

Kung isilang ng muli ang bituing hilaga (c)
Liparin ang bahaghari sa dulo ng malay (d)
Walang pagod na pagaspas ko’y asahang sumpa (c)
Laon nang alay sa iyo ang singsing ng buhay (d)

Sa buhangin ng ginhawa’y sandaling humimpil (e)
Halika’t ikaw naman ang sa bagwis sumilong (f)
Ipikit ang mata sa unos na umaangil (e)
Matulog, sinta, sap ag-ibig kong bumubulong (f)

Ang paglalakbay ko’y sa iyo lang humangga (g)
Bahagharing minimithi’y ikaw pala, sinta. (g)



(Petrarchan)
ANG TAO'Y UMIBIG SA AURA NG ALAK

Ang tao'y umibig sa aura ng alak. (a)
Sa bawat paglagok, nadagdag ang lakas, (b)
Para turuan s'ya na maging marahas. (b)
Espiritu nito'y dadaan sa utak, (a)
Hanggang kaluluwa na siyang wawasak, (a)
Sa tao: paglango't kahibangang wagas. (b)
Sa puso'y sasaksak, sa atay lalaslas.(b)
Papatay sa iyo'y demonyong panulak. (a)

Subalit ang buhay ay walang kapalit. (c)
Di tulad ng alak na kapag naubos, (d)
Ay agad bibili ng bagong inumin. (e)
Kaya ikaw pare, huwag kang makulit. (c)
Anumang balakid, agad matatapos. (d)
Ang natirang oras ay di sasayangin. (e)

Villanelle: 
-lalabindalawahin
-6/6 o 4/4/4
-dalisay
-patanghal
-nagpapatawa
-tungkol sa trapik

 Soneto (Petrarchan)
-lalabindalawahin
-6/6
-pantigan
-may parikala
-tungkol sa alak

Rondel
-lalabindalawahin
-6/6
-pantigan (katinig na malakas) 
-malayang pumili ng paksa

PINAKANTA ANG BUSINA NG KOTSE DAHIL SA TRAPIK

Busina ng kotse, ay birit nang birit.
Ang mahabang pila'y di matapus-tapos,
Dahil sa trapikong nakakabuwisit.

Ang tubig sa tubo'y biglang sumirit.
Itong instant fountain, sa daa'y umagos.
Busina ng kotse ay birit nang birit.

Daliri ng boss ko ay mistulang sipit.
Late...Kaya napingot..tenga'y nagkagalos,
Dahil sa trapikong nakakabuwisit.

Doon sa Espa
ña, baha ay humirit.
Ang tao'y naglakad, basa ang sapatos.
Busina ng kotse ay birit nang birit.

Espasyong katiting, dinadaang pilit.
Nissan Navarra ko'y nagkapeklat halos,
Dahil sa trapikong nakakabuwisit.

Itong pagkainip at tindi ng init,
Pati na ang ingay -- kami ay busabos.
Busina ng kotse ay birit nang birit,
Dahil sa trapikong nakakabuwisit.

ANG TAO'Y UMIBIG SA AURA NG ALAK

Ang tao'y umibig sa aura ng alak.
Sa bawat paglagok, nadagdag ang lakas,
Para turuan s'ya na maging marahas.
Espiritu nito'y dadaan sa utak,
Hanggang kaluluwa na siyang wawasak,
Sa tao: paglango't kahibangang wagas.
Sa puso'y sasaksak, sa atay lalaslas.
Papatay sa iyo'y demonyong panulak.

Subalit ang buhay ay walang kapalit.
Di tulad ng alak na kapag naubos,
Ay agad bibili ng bagong inumin.
Kaya ikaw pare, huwag kang makulit.
Anumang balakid, agad matatapos.
Ang natirang oras ay di sasayangin.

ITONG PUTING KAHON

Itong puting kahon ay s'yang nagpatangis,
Sa ina at ama't pati kamag-anak.
Kinukuha na s'ya ng isang busilak,
At nagliliwanag na mga silahis.

Pilit hinihilom, nadaramang hapis.
Sa huling hantungan, luha ay dumanak.
Itong puting kahon ay s'yang nagpatangis,
Sa ina at ama't pati kamag-anak.

Makakawala na sa anumang dungis,
Ng sala't pipiglas sa pangil ng lusak.
Masaya na yata sa mundong tinahak,
O siya siguro'y naulilang labis,
Sa ina at ama't pati kamag-anak.


*****John Anthony B. Teodosio****           

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)