Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Wikang Filipino

BINAGONG GABAY SA ORTOGRAPIYA NG WIKANG FILIPINO, Komisyon sa Wikang Filipino, Edisyong 2013

Imahe

ANG WIKA NG ATING IMAHINASYON (Panayam para sa KASUGUFIL, 23 Agosto 2014) ni Virgilio S. Almario

ANG WIKA NG ATING IMAHINASYON (Panayam para sa KASUGUFIL, 23 Agosto 2014) ni Virgilio S. Almario   MAY KAESKUWELA AKO na nananaginip daw sa Ingles. Naku, sabi ko, sana hindi ako lumilitaw sa panaginip mo. Kasi baluktot ang Ingles ko. Tumawa lámang siya at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tawa niya. Palagay ko, lumilitaw nga ako sa panaginip niya at eksampol ako ng baluktot na Ingles sa kaniyang mundo.   Ilan kayâ sa inyo ang tulad ng kaeskuwela kong nananaginip sa Ingles?   May mga sikolohista na nagsasabing imahen ang panaginip ng ating tákot at balísa. May nagsasabing larawan ito ng ating malalim na lunggati. Alinman ang tama, masisira ang sikolohiya kung guro ka sa wikang Filipino pero nananaginip sa wikang Ingles. Ang natitiyak ko, kung guro ka sa Filipino pero nananaginip sa Ingles, hindi ka makatutulong sa ating paksa—ang intelektuwalisasyon/ modernisasyon/elaborasyon ng ating Wikang Pambansa.   Bago ako magpatuloy, dapat linawin na maliban kay Charle

Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan ni Conrado de Quiros

Ang Kapangyarihan ng Wika, Ang Wika ng Kapangyarihan ni Conrado de Quiros     Hanggang ngayon, hindi ko maintindihan kung bakit kinakausap natin ang ating mga aso sa wikang Ingles. Wala kang naririnig na nagsasabing, “Upo, Bantay, upo,” o “Habol, Kidlat, habol.” Ang maririnig mo ay “Sit, Rover, sit,” o “Fetch, Fido, fetch.” O kung poodle, Fifi. Kung sa bagay tayo mang mga taong Filipino ay may mga pangalang Rover, Fido, at Fifi, kaya hindi nakapagtatakang pangalanan din natin ang ating mga aso ng ganoon. Ang nakapagtataka ay kung bakit kinakausap natin sila sa Ingles. Ibig sabihin, kakaiba ba ang korte ng kanilang mga utak at natural silang sumusunod sa mga utos sa Ingles? Ang tinig ba ng Ingles ay hawig sa mga tunog na ginagawang silent dog whistle? Ipauubaya ko sa mga dalubhasa sa sikolohiya ng hayop ang pagpapaliwanag nito. Pero may punto rito. At ang punto ay ito: marami at sari-sari ang gamit ng wika; hindi lamang bilang isang paraan ng komunikasyon ng dalawang tao. Sa tingin

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Ang unang dapat usisain: Bakit ba ipinasiya ng 1935 Kumbensiyong Konstitusyonal na isang wikang batay sa isa sa mga katutubong wika ng Filipinas ang ating maging wikang pambansa? Nakapagtataka ito kapag inisipa na ang mga delegado sa naturang kumbensiyon ay pawang mga edukado at kabilang sa mataas na uri ng lipunang Filipino. Bilang mga edukado, mayorya sa kanila ang mahusay sa Espanyol. Iyon ang dahilan kaya ang una nating republika, ang Republikang Malolos ay Espanyol ang wikang opisyal sa pamahalaan. Ang medyo nakababata sa mga delegado ay nagdaan sa edukasyong pinalaganap ng mga Amerikano o naging pensiyonado kaya't bihasa sa wikang Ingles. Nasa ilalim pa tayo noong 1935 ng mga Amerikano kaya't siguradong may malakas na saloobin sa kumbensiyon na Ingles ang hiranging wikang pambansa. Alam ng mga delegado ang realidad ng politika at ang magandang mga posibilidad para sa paggamit ng wika ng kanilang bagong Mananakop. Kung pinili lamang nila kahit ang Espanyol ay nagtatamasa s

ANG ALAMAT NG WIKANG FILIPINO ni Virgilio S. Almario

ANG ALAMAT NG WIKANG FILIPINO ni Virgilio S. Almario Kung mamarapatin, isa itong personal na gunita tungkol sa isang napakadramatikong yugto sa kasaysayan ng Wikang Pambansa. Ito ang ilang taon bago ang kumbensiyong konstitusyonal noong 1972. Niyanig noon ang Surian ng Wikang Pambansa ng iba’t ibang uri ng protesta. Una ang mga   sulating kontra-Pilipino na gaya ng kay Geruncio Lacuesta simulang 1964 na “purista” ang Surian at dapat dagdagan ang mga titik ng abakada upang madaliang tumanggap ng mga hiram na salita mulang Espanyol at Ingles. Ikalawa, ang tahas na habla ni Kongresista Inocencio Ferrer ng Negros Occidental, mulang 1963 hanggang 1970, na tumututol sa pagpilì sa Tagalog bilang batayan ng Pilipino. Ikatlo, ang paglabas ng  Maugnaying Talasalitaan  ng Lupon sa Agham sa pangunguna ni Gonzalo del Rosario na umimbento ng mga salitang pantapat sa mga katawagang pang-agham at teknolohiya, isang gawaing higit na nagpati