“Bakit ako magsusulat sa Wikang Filipino?”
“Bakit ako magsusulat sa Wikang Filipino?” ni WMReyes Panimula Paano sisimulan ang pagsagot sa tanong na ito? Tila mas madali ang magsulat na lamang ng ibang paksa sa sariling wika kaysa ipaliwanag kung bakit kailangang gamitin ito. Kung tutuusin, hindi naman tinatanong (o ipinapaliwanag) ng Inglatera o ng Estados Unidos kung bakit sila nagsusulat sa Ingles. Gayundin ang iba pang bayan gaya ng Espanya, Pransya, Tsina at Hapon kung nagsusulat sila sa kanilang wika. At nakakatuwang isipin, kailangan pa nating ipaliwanag sa ating mga kababayan at kumbinsihin sila ‘kung bakit magsusulat sa wikang Filipino?’ gaya ng ginagawa kong ito. Ang layunin ay mabigyan ng karampatang pagpapaliwanag kung bakit mahalaga ang paggamit at paglingap sa ating sariling wika. Sa pagsagot sa tanong na ito wala akong intensyon na sikilin ang ibang wika kapalit ng paggamit ng wikang Filipino. Hindi ko pipigilan ang isang tao sa kanyang kalayaang gamitin ang wikang kanyang napupusuan. Wala rin problema sa pag