Araw na May Rebolusyon (Sanaysay mula sa Ehipto)


    Noong Biyernes, ang "araw ng poot," nasa kalye ako kasama ng mga nagpoprotesta. Ako at ang aking mga kaibigan ay nakiisa sa mapayapang protesta na nagsimula sa mosque ng Amr ibn al-As sa Old Cairo malapit sa Church of St. George. Nagsimula kaming kumanta, "Nais ng taong bumagsak ang pamahalaan!" at sinalubong kami ng malakas na pagsabog ng mga lear gas na pinakawalan ng mga pulis. Nagsimula kaming sumigaw, "Kapayapaan, kapayapaan." sinusubukan naming ipakita sa mga pulis na hindi kami kalaban. wala kaming hinihingi kundi ang aming kalayaan. Lalo lamang itong nagpalala ng kanilang kalupitan. Ang pakikipaglaban ay nagsimulang kumalat sa mga kalye ng sinauna at malawak na distrito ng Coptic. Ako at ang aking kaibigan ay nagkanlong sa maliit na eskinita kung saan mainit kaming tinanggap. Binalaan kami ng mga tao na huwag subukang dumaan sa Metro station, at itinuro sa amin ang ibang ruta upang makatakas. Marami sa kanila ang sumali sa protesta. Sa huli, pinasakay kami ng isang lalaki sa kaniyang kotse upang makaligtas.

    Malinaw na ang samyo ng "Jasmine Revolution" ng Tunisia ay madaling umabot sa Ehipto. Kasunod ng matagumpay na pagpapatalsik sa diktador ng Tunisia nas Zine El Abidine Ben Ali, nagsimula ang panawagan sa Facebook para sa rebolusyon ng taga-Ehipto na magsisimula sa Enero 25. Gayunman, kinutya ng publiko ang kabataang ginamit ang Twitter at Facebook para sa panawagan ng protesta. Kailan pa nagningas ang rebolusyon sa planadong petsa? Ang rebolusyon ba ay naging tulad ng romantic rendezvous? 

    Totoong marami ang mga gayong tanong sa social networking sites, ngunit maging ang mga taong mapangutya (kasama na ako roon) ay nagkaroon ng pag asa habang ang panawagan ay patuloy na lumalaganap. Sa isang kisapmata, ang libo-libong gumagamit ng Twitter at Facebook sa buong bansa ay matagumpay na nagsama-sama para sa iisang layunin. Marami sa kanila ay kabataan na hindi pa naging masigasig sa politika, at hindi kabilang sa tradisyonal na pangkat ng oposisyon. Ang Kapatiran ng Muslim ay hindi rin nahuli sa popular na rebolusyong ito, taliwas sa kinakaila ng pamahalaan. Ang mga taong nagsimula at nag-ayos ng protesta ay nagngingitngit sa galit sa kalupitan ng mga pulis at sa labis na pahirap ng pamahalaan ni Hosni Mubarak. 

Mula umpisa, ang pamahalaan ay nagpasiyang tratuhin ang mga tao nang pinakamalalang karahasan at kalupitan sa pag-asang ang karanasan ng mga Tunisian ay hindi na mauulit. Sa mga nakalipas na araw, tear gas na ang nilalanghap

    Malinaw na ang samyo ng "Jasmine Revolution" ng Tunisia ay madaling umabot sa Ehipto. Kasunod ng matagumpay na pagpapatalsik sa diktador ng Tunisia na s Zine El Abidine Ben Ali, nagsimula ang panawagan sa Facebook para sa rebolusyon ng taga-Ehipto na magsisimula sa Enero Gayunman, kinutya ng publiko ang kabataang ginamit ang Twitter at Facebook para sa panawagan ng protesta. Kailan pa nagningas ang rebolusyon sa planadong petsa? Ang rebolusyon ba ay naging tulad ng romantic rendezvous? Totoong marami ang mga gayong tanong sa social networking sites, ngunit maging ang mga taong mapangutya (kasama na ako roon) ay nagkaroon ng pag asa habang ang panawagan ay patuloy na lumalaganap. Sa isang kisapmata, ang libo-libong gumagamit ng Twitter at Facebook sa buong bansa ay matagumpay na nagsama-sama para sa isang layunin. Marami sa kanila ay kabataan na hindi pa naging masigasig sa politika, at hindi kabilang sa tradisyonal na pangkat ng oposisyon. Ang Kapatiran ng Muslim ay hindi rin nahuli sa popular na rebolusyong ito, taliwas sa kinakaila ng pamahalaan. Ang mga taong nagsimula at nag-ayos ng protesta ay nagngingitngit sa galit sa kalupitan ng mga pulis at sa labis na pahirap ng pamahalaan ni Hosni Mubarak Mula umpisa, ang pamahalaan ay nagpasiyang tratuhin ang mga tao nang pinakamalalang karahasan at kalupitan sa pag-asang ang karanasan ng mga Tunisian ay hindi na mauulit. Sa mga nakalipas na araw, tear gas na ang nilalanghap ng mga taga-Ehipto. Laganap na ito sa hangin at may mga ulat na may mga bata at matatanda na nahirapang huminga dahil sa usok sa kanilang tahanan. Ang security forces sa Cairo ay nagsimulang paulanan ng mga gomang bala ang mga nagpoprotesta bago pa gumamit ng mga bala na kumitil ng maraming buhay Sa Suez, kung saan ang protesta ay nagiging marahas, ang mga pulis ay gumamit ng mga bala sa unang araw pa lamang. Isang kaibigang naninirahan doon ang nagpadala sa akin ng mensahe: "Huwebes ng umaga, ang lungsod ay tila napasailalim sa malupit na digmaan. Ang mga kalye rito ay sinira at sinunog, nagkalat ang mga bangkay, hindi kailanman namin malalaman kung gaano karaming biktima mula sa Suez ang tinamaan ng mga bala ng mga pulis." Matapos makatakas mula sa Old Cairo noong Biyernes, ako at aking mga kaibigan ay nagtungo sa Tahrir Square, ang sentro ng makabagong lungsod at lugar ng malalaking protesta. Sumama kami patungong kabayanan sa iba pang nagpoprotesta na karamihan ay kabataan. Mula sa malayo, narinig na namin ang ingay ng protesta sa Tahrir Square kasabay ang tunog ng mga bala at hiyawan. Ang bawat sandali ay naging napakaingat. Sumulong kami. Dumami kami. Upang maiwasan ang epekto ng tear gas, may mga nagbahagi ng mga bote ng Coca-Cola at binasa nila ng soda ang kanilang mga mata. Ang ilan ay may suot na panakip sa mukha samantalang ang iba ay nagwisik ng suka sa kanilang kaffiyeh.

    Ang mga tindero ay namigay ng mga bote ng mineral water sa mga nagpoprotesta, at ang mga sibilyan ay paminsang-minsang namimigay ng pagkain. Ang mga babae at bata na nakatanaw mula sa mga bintana at balkonahe ay nakikisabay sa himig ng mga nagpoprotesta. Hindi ko kailanman malilimutan ang hitsura ng mayamang babae na nagmamaneho ng kaniyang marangyang kotse sa makipot na kalye. Hinikayat niya ang mga tao na tibayan ang kanilang kalooban, at kanyang sinabi sa kanilang hindi magtatagal, sasamahan sila ng libo-libong mamamayan na magmumula sa iba't ibang bang lungsod.

    Matapos ang ilang bigong pagtatangkang maklagpas sa mga checkpoint at makarating sa Tahrir Square, naupo kami sa kapehan upang magpahinga, May tatlong opisyal mula sa pamunuan ng Central Security Forces na bihis-sibilyan ang nakaupo sa likuran namin. Mukhang hindi sila nababahala at hindi tinatablan ng ingay mula sa mga bala at sigawan, o sa bilang ng mga sugatan at namatay na taga-Ehipto na iniulat sa Al Jazeera o ipinalabas sa telebisyon ng kapehan. Sila at ang kanilang mga kasamahan ay nagkalat sa lungsod, nag-eespiya sa kanilang mga kababayan. Biyernes ng gabi, bawat oras ay lumalala ang kaguluhan. Ang mga pulis at opisyal ng National Democratic Party ay walang pakundangan. Napaiyak ako nang marinig ang balitang 3000 boluntaryo ang nagkapit-bisig paikot ng museong pambansa upang pangalagaan ito mula sa pagnanakaw at paninira. Ang mga taong gumawa ng gayong hakbang ay tiyak na may mataas na pinag-aralan, sibilisadong tao, taliwas sa ipinaparatang ng mga taong tunay na sumira at nagnakaw sa Ehipto sa maraming henerasyon

    Ang curfew ay nangangahulugang hindi ako makakauwi kaya ginugol ko ang gabi sa bahay ng aking kaibigan na malapit sa gusali ng Parliament at Interior Ministry, isa sa mga pinakamagulong bahagi ng lungsod. Nang gabing iyon, ang tunog ng mga bala ay walang humpay. Nakatanaw kami mula sa bintana habang ang isang pulis ay malayang pinaputukan ang mga nagpoprotesta, maging ang malapit na gasolinahan, umaasa marahil ng isang pagsabog. Sa kabila ng lahat ng ito, ang mga nagpoprotesta ay hindi napigil, bagkus pinaalab ng palasak na matinding galit sa mabagal na pagtugon sa mga tao ni Pangulong Mubarak. Hindi rin matanggap ng mga tao ang talumpating binigkas ni Pangulong Mubarak. Sabado ng umaga, pauwi ako mula sa bahay ng aking kaibigan. Iniwasan ko ang mga bubog na nagkalat sa mga kalsada, at naamoy ko ang bunga ng mga sunog nang nakaraang gabi. Ang militar, na inatasan ng pamahalaan na patigilin ang protesta, ay nakapalibot. Sinubukan kong makarating sa Tahrir Square upang masiguro kung ligtas ang museo. Isang nagdaraan ang nagsabi sa akin na hindi pinahihintulutan ng militar ang pagpasok sa lugar, kundi sila ay magpapaputok. Tinanong ko siya nang nangangamba, "Pinapasukan ba ng militar ang mga nagpoprotesta?" Sinabi niya nang nakatitiyak, "Hindi. Ang militar ng Ehipto ay hindi kailanman nagpaputok sa mamamayan ng Ehipto, at hindi rin magpapaputok ngayon." Kapuwa namin hiniling na sana ay magkatotoo, na ang militar ay papanig sa mga tao. Ngayong ang militar ay nagbabantay sa mga nagpoprotesta, ang puwersa ng pulis ay tuluyang nawala sa mga kalye na tila ba tinutuya ang mga tao sa pagpili sa pagitan ng kanilang presensiya at mga kaguluhan. Ang mga armadong kriminal ay nagsulputan sa buong lungsod upang maghanap ng mga tindahang mananakawan at manakot ng mga sibilyan sa kanilang mga tahanan. (Sabado ng gabi, isang grupo ang nagtangkang nakawan ang gusali kung saan ako namamalagi, ngunit hindi sila nakapasok.) Ang mga lokal na boluntaryo ay bumuo ng mga komite upang labanan ang mga kriminal, sa gitna ng puspos na damdamin na ang pamahalaan ay sadyang panggatong ng mga kaguluhan. Sabado ng gabi, papunta akong Corniche Street sa llog Nile, naglalakad ako sa kalye ng masaganang Garden City nang nakita ko ang isang babaeng umiiyak. Tinanong ko siya kung ano ang problema, at sinabi niya sa akin na ang anak niyang lalaki na manggagawa sa marangyang hotel ay binaril sa lalamunan kahit hindi siya kasama sa protesta. Ang anak niya ay naparalisa at papunta siya ngayon sa hotel upang humiling ng medical leave para sa anak. Niyakap ko siya at sinusubukang pagaanin ang kaniyang damdamin. Sinabi niya nang lumuluha. "Hindi tayo maaaring manahimik sa mga nangyari. Ang pananahimik ay krimen. Ang dumanak na dugo ay hindi dapat masayang."

Sumasang-ayon ako. Ang pananahimik ay krimen. Kahit na ang pamahalaan ay patuloy tayong paulanan ng bala at tear gas, harangin ang Internet access at putulin ang linya ng mga mobile phone, makahahanap tayo ng paraan para maiparating ang ating tinig sa ibang bahagi ng mundo, upang hingin ang ating kalayaan at katarungan.


Sagutin ang mga tanong. 

1. Tungkol saan ang sanaysay? 

2. Ano ang ginampanan ng kabataan sa naganap na protesta? Naging matagumpay ba sila?

3. Ano-ano ang naging karanasan ng mga tao sa naganap na protesta? 

4. Para sa iyo, mabisa bang paraan ng pagpapahayag ng saloobin at pananaw ang protesta? 

5. Paano mo maipakikita ang pagpapahalaga sa kalayaang tinatamasa mo ngayon?

Mga Komento

  1. 1.Ang sanaysay ay tunkol sa pagpoprotesta ng mga tao
    2.ang ginagampanan nila ay ang kalayaan ngunit di nagtagumpay dahil sa kalupitan ng mga pulis
    3.naranasan nilang mahuli at at kalungkutan at kahirapan
    4.Oo dahil nga sa kaawaawa na mga salita na nakasulat at malinaw na sinasabing kalupitan ng mga pulis
    5.Gaya nga ngayong quarantine limitado lang ang kilos, walang entertainment, kulang ang pageeteraksyon sa mga kaibigan IRL.

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1.Ang sanaysay ay tunkol sa pagpoprotesta ng mga tao
      2.ang ginagampanan nila ay ang kalayaan ngunit di nagtagumpay dahil sa kalupitan ng mga pulis
      3.naranasan nilang mahuli at at kalungkutan at kahirapan
      4.Oo dahil nga sa kaawaawa na mga salita na nakasulat at malinaw na sinasabing kalupitan ng mga pulis
      5.Gaya nga ngayong quarantine limitado lang ang kilos, walang entertainment, kulang ang pageeteraksyon sa mga kaibigan IRL

      Burahin
    2. 1. Tungkol sa pagprotesta ng mga tao
      2. Ginampanan nila ang kagustuhan na makamit ang kalayaan subalit sa ka brutalan ng
      mga guwardiya o pulis ay nabigo sila
      3. Nakaranas sila ng pag kalungkot at pang aapi ng mga pulis, halimbawa na lamang ang
      mga tumulong dugo dahilan ng protesta
      4. OO, dahil kahit sino ang nasa sitwasyon nayon ay mahihirapan ako at masasaktan sa
      mga pinag gagagawa ng mga pulis
      5. Ipapakita o ipahahalagahan ko ang aking kalayaan na meron ako ngayon sa pag gawa
      ng mga ka aya-ayang bagay at pagdedesisyon ng nakabubuti

      Burahin
  2. 1.Tungkol ito sa pagpoprotesta ng mga tao
    2.Ang ginagampanan nila para sa sanaysay na ito ay boses kung saan makikita natin na gumagawa ng paraan ang mga tao dito upang makamit ang kanilang kalayaan subalit hindi nila ito nakamit dahil sa marahas na pamumuno ng mga leader dito
    3.Naranasan nilang maramdaman ang kawalan ng pag asa at pag mamalupit ng mga pinuno at labis na paggamit ng kapangyarihan dahil lamang sa pagprotesta
    4.Oo,Dahil dito nabibigyang pansin ang mga tao kung sila ay magsama sama upang mas lumakas ng kanilang tinig at matugunan ang kanilang daing
    5.Ang kalayaang tinatamasa ko ngayon ay aking gagamitin sa mabuting paraan at makagawa ng maraming bagay na makakabuti di lamang sa aking sarili kundi pati narin sa iba

    TumugonBurahin
    Mga Tugon
    1. 1. Ito ay tungkol sa mga kababayan, kabataan, at mga taong may pinaninindigan at sila ay nagprotesta para sa kanilang kalayaan at kagustuhan mabuhay ng payapa sa mundo at bansa nila.

      2. Ang bata ay gumamit ng facebook twitter at iba pang kagamitang na maaring makapag labas ng impormasyon sa maraming tao, Nagiging matagumpay sila sa pagplano ng protesta at sila ay binatikos dahil duon, at sinabing isa na bang romantic rendezvous ang protesta na maaring bigyan ng panahon.

      Pero sa protestang iyon marami ang napahamak at naghirap kasama na ang sumulat ng sanaysay na iyon.

      3. Sila ay nagdusa, nahirapan, at nagutom, sila ay pinagbaba-bato ng tear gas na masakit sa mata at delikado kung ito ay iyong malanghap, at dahil sa gerang nagaganap ay hindi makakain at makatulog ng wasto ang mga tao.

      4. Para saakin ay hindi, oo mabibigyan ng kahalagahan at kasagutan ang iyong ipinaglalaban. Ngunit akoy nakakasigurado lalo lang itong lala-la at hindi maipatutupad dahil sa kaguluhan na posibleng mangyare, hindi inaasahang ganito ang magaganap sa protesta ngunit patuloy parin ang mga tao sa pag protesta ng kanilang kalayaan at kagustuhan.

      5. Maaring gumamit ako ng mga social media platforms gaya ng facebook, at duon ko ilalahad ang aking kalayaan, gaya ng ginawa ni jose rizal na libro at tanging mga salita lamang ang nagmulat at naging paraan para makamit ang kalayaan ng mga pilipino, ganun din ay sa paraang pag gamit ng salita at sa paglabas nito sa facebook ay maraming tao ang mamumulat at magiging malaya, at hindi mapapahamak katulad ng nangyare sa protestang kanilang ipinaglaban.

      Burahin
  3. 1. Pagprotesta ng mga tao
    2. Nagampanan nila ang kalayaan pero di sila nagtagumpay dahil brutal ang mga pulis
    3. Naranasan nilang maging malungkot,kahirapan at mahuli
    4. Opo, dahil kung ako ang nasa sitwasyon na yon talagang mahihirapan ako at masasaktan dahil sa mga police brutality
    5. Dahil ngayong pandemya ay di natin makakamit ang kalayaan dahil sa sitwasyon natin ngayon na kumakalat na virus.

    TumugonBurahin
  4. 1. Ang sanaysay ay patungkol sa mga kabataang nagpo-protesta sa isang Bansa.

    2. Balak ng mga Kabataan na kunin ang kalayaan sa kanilang bansa, ngunit sa kalupitan ng mga pulis, ito ay naging malabo.

    3. Maraming kalupitang naranasan ang mga nagpo-protestang mga kabataan sa Pulis. Isa na dito ang pagpatay sa mga nagpo-protesta, at pagpapasunog para mapaatras ang mga nagpo-protesta. Dahil sa mga ito, Humirap at Lumungkot ang Bansa.

    4. Para sa akin, Hindi, lalo na kapag marahas ang gagawing protesta. Kasi imbes na magbibigay linaw ka sa pamahalaan, makakasira ka naman ng mga ari-arian, o maaaring makatapos pa ng buhay ng isang tao.

    5. Isa sa kalayaan natin ay ang makapag-isip kung ano ang tama at mali, isipin natin lagi ang tama at kung ano ang ikabubuti mo at ng mamamayan mo, dahil dito, maaari kang makatulong kahit sa maliit na paraan lang.

    TumugonBurahin
  5. 1.ito ay sanaysay kung saan isinasalaysay ng author o manunulat ang kanyang karanasan sa protestang kanyang nasangkutan.
    2.ang mga kabataan ang nagsilbing boses sa kapwa nilang kabataan kung saan ay hinahangad lamang nila ang kalayaan ng bawat isa.inde naging matagumpay dahil ayon sa napapaloob ng sanaysay naging malupit akong mga pulis at di naniniwalang kalayaan lang ang habol ng mga kabataan.
    3.nakaranas sila ng magmamalupit,makulong sa bilangguan,kalungkutan at kahirapan.
    4.para po saakin inde magiging mabisa ang pamamaraan na ginawa nila dahil kung gusto nila ng kalayaan gagawasila ng hakbang na hindi nakakasagabal sa iba....para po saakin ang protesta ay isang paraan ng pagiging rebelde.
    5.kaya kong gumawa ng tama at mali at kaya kong gampanan ang aking mga tungkilin di lang para saaking sarili,pamilya,kaibigan kapwa at bansa.

    TumugonBurahin
  6. 1. tungkol ito sa pagpoprotesta ng mga tao para bigyan sila ng kalayaan
    2. Ang kabataan ang naging bises para mga gustong magkaroon ng kalayaan sa mga taga ehipto, ngunit sa kasamaang palad hindi sila naging matagumpay sapagkat ayon sa nabasa kong sanaysay ay naging malupit sa kanila ang mga pulis.
    3. Naranasan nilang hindi magkaroon ng kalayaan ang bawat isang tao, kalungkutan , pang aapi ng pinuno , pagmamalupit ng mga pulis.
    4.Para sa akin ay oo mabisang paraan ang pagpapahayag ng mga saloobin pero hindi sa paraan ng pagsasagawa ng protesta , madaming paraan para maipakita mo ang nais , layunin o ano pa man dahil ang protesta ay hindi magandang gawain at isa itong pagrerebelde.
    5.Madaming paraan kung paano ko maipapakita ang kalayaan na natatamasa ko ngayon , gaya ng pagsisikap sa paggawa ng mabuti , sa pagtulong sa kapwa sa abot ng aking makakaya at iba pa.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)