Panukalang Papel Pananaliksik - Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo ng Akdang Pampanitikan sa antas Sekundarya

Bulacan State University

City of Malolos

 

 

 

Mabisang Estratehiya sa Patuturo ng Akdang Pampanitikan sa antas Sekundarya

 

  

  

Isang Panukalang Pananaliksik na Iniharap sa Dalubguro

At sa Graduwadong Paaralan ng Bulacan State Unibersity

 

 

 

 

Ni:

Arleen R. Carmona

 


June 2016


KABANATA I

ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO

 

Panimula

Batay sa pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapakipakinabang na literasi. Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo (2) replektibo/mapanuring pag-iisip at (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural at literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na nagbabagong nagaganap sa daigdig.

Nagiging epektio ang pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya kung naipamamalas ng mag-aaral ang kakayahang komunikatibo, mapanuring pag-iisip at pag-unawa at pagpapahalagang pampanitikan gamit ang teknolohiya at iba’t ibang uri ng teksto at mga akdang pampanitikang rehiyunal, pambansa, saling-akdang Asyano at pandaigdig tungo sa pagtatamo 

Kung kaya, kailangang itampok sa pagtuturo ng panitikan ang pinakamahusay at ang nagpapalakas sa mga halagang Filipino at kailangan ng isang mamamayang Filipino.

Samakatuwid, kailangang may malalim at malawak na kaalaman ang guro hinggil sa mga katutubong sangkap at anyo ng panitikan, sa naging mga kabaguhang dulot ng kolonyalismo, sa mga puwersa’t lunggating humuhubog sa makabagong panitikan. (Almario, 2010)

Mula sa panukala ni Tores –Yu (2005), sa kanyang sanaysay   Ang bago sa pagbabago: Paano kinikilala ang panitikan, kritisismo at pagtuturo para sa kritiko at historyador , mahalaga ang nagagawa ng bago dahil ito ang dahon ng pagpapakilala ng kasaysayan ay sumusulong at napapanahon ng suriin ang mga pamantayang pinatatag ng paulit ulit na paglalapat sa mga akdang maluluwag sukatin. Kaugnay nito kanyang sanaysay na Bagong konteksto para sa kontemporaryong pagbasa at pagtuturo ng panitikian sa Pilipinas naglatag ng teoryang pampanitikan ang paghahanap ng pamantayang hango sa karanasan ng mga Filiplino sa kanilang sariling katutubong panitikan, ang pamantayang kung ilapat sa akda ay pagpapatingkad sa kanilang pagpapahalaga sa kultura at mga taong nag-ambag sa kulturang ito.

Sa aklat ni Almario na Balagtasismo versus Modernisismo,(1994), ang mga pamantayang ginagamit sa pagsusuri ay pawang hiram lamang sa kanluranin. Kung kayat nagiging limitado lamang ang pagsususri ng ating panitikan.  Dapat gamitin ang pamantayang ito ng may tiyak na pakahulugan at pagsususri. Nagiging di makatwiran din ang pagsususri lalo at kapag sapilitang ikinawing sa mga orihinal na kilusang Europeo ang tunguhin at pagsusulat ng mga Pilipino.

“ang pag aangkat ay kailangan maging makabuluhan sa lisang kalagayan sa loob ng bansa. Nagaganap lamang ang ganitong pag-aangkat at pagsusuri sang-ayon sa pangangailangan at pahintulot ng paaralan sa panitikan at lipunang Pilipino.”

Ayon kay Torres-Yu (2006) tayong mga Pilipino ay umaalam, tumatantiya, tumitimbang, bumubusisi, sumisipat at kumikilatis ng mga bagay-bagay bago natin lubusang tanggapin. Sana sa ganitong usapin ay kumilatis muna tayo ng sariling atin upang malay tayo sa mga bagay na mayroon ang ating bayan, hindi yung tipong nagpapaka-tanga tayo sa sarili nating pagkakakilanlan. Dahil kung kumilatis muna tayo sa mga bagay na mayroon tayo ay di tayo nagkakaganito. Marami ang naging dahilan kung bakit nabuo ang ganitong paksain ng mga mananakliksik, una madalumat ang pamantayang pagsusuri sa pagka pilipino, ikalawa ang bisa nito sa ating mga pagkataong Filipino at ikatlo maging giya ng ibang tao “Mga Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo ng Akdang Pampanitikan sa Antas Sekundarya” mabibigyang katuturan sa pamamagitan ng pagsususuri naka mga mga metodolohiya sa pagtuturo ng panitikan.

 

Paglalahad ng Suliranin

            Ang Pag-aaral na ito ay isinagawa upang mabigyan ng kasagutan ang pangunahing suliranin; Paano susukatin ang kabisaan ng mga estratehiya sa pagtuturo ng Panitikan sa mga mag-aaral sa antas sekundarya?

            Kabilang sa suliraning ito na nais masagot ay ang mga sumusunod:

1. Ano-ano ang mga mabisang estratehiya ang ginamit ng guro sa pagkatuto ng mga mag-aaral sa sekundarya?

1.1 Kolaboratibo o Kooperatibong Pagkatuto

1.2 Pagkatutong Interaktibo

1.3 Pagkatutong Integratibo

2. Gaano kabisa ang estratehiyang kolaboratibo, interaktibo at integratibo?

3. Alin ang pinakamabisang estratehiya sa kabuuan?

Kahalagahan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay inaasahang makatutulong at magdudulot ng positibong pagbabago sa mga sumusunod

Sa mga Guro ng Panitikan Ang pag-aaral na ito ay maaring magsilbing gabay o giya ng mga gurong nagtuturo ng Panitikan lalo’t higit kung Filipino. Upang lalo pa nilang maituro ang mga mainam na mga pamamaraan sa paglalapat ng teyorya tulad ng Humanismo, batay sa mga inihatag na pamamaraan. At nang lalo pa nilang mapalawig at mapayaman pa ang masustansiya na nilang pagtuturo sa mga akdang pampanitikan tulad ng maikling kuwento.

Sa mga Mag-aaral Mula sa pag-aaral na ito mas magiging kasiya-siya para sa mga mag-aaral ang pag-aaral ng Panitikan lalo’t higit ang panitikang Filipino. Sa mga datos na inilahad ng mga mananaliksik na madaling unawain at malinaw na pagkakalahad ay lalo pa nilang pahalagahan ang yaman at maipagmamalaking ng ating bayan.

Sa mga manunulat Magsisilbing inspirasyon ang pag-aaral na ito sa mga manunulat, lalo ipagpapatuloy ang kanilang mahuhusay na akda na makadaragdag pa sa ating Panitikan.

Sa mga Administrador. Upang magsilbing pamantayan sa pagpapatakbo ng isangIntitusyong makapagpapatatag.

Sa mga tagapagbuo ng Kurikulum magiging giya ang pag aaral na ito ang pagdedesenyo ng kurikulum partikular sa asinaturang Filipino. Magsilbing batayan sa pagbubuo ng pilosopiyang magiging hulwaran ng disenyo.

Sa mga mananaliksik magamit ang pag aaral na ito kuhaan ng datos at saligang pagaaral kaugnay sa paksang pagsusuri. Magsilbing panukala bilang pasimula ng pagsusuring Humanismo at mapalawig pa ito

 

 Saklaw at Hangganan ng Pag-aaral

Ang pag-aaral na ito ay nakatuon sa pagsasaliksik sa mga mabibisang istratehiya sa pagtuturo ng Panitikan sa mga mag-aaral sa sekundarya. Ito ay sumasaklaw lamang kung gaano kabisa ang iba’t ibang istratehiyang nabanggit sa itaas.

            Saklaw ng pag-aaral na ito ang piling paaralan sa sekundarya ng Pampanga. Ang mga naging respondente sa kabuuan ng pag-aaral na ito ay limampu (120) respondente sa kabuuan ng sekundarya. Ang mga mag-aaral sa ibat ibang antas ng sekundarya.

            Ang pinagbatayan sa pag-aaral na ito ay ang Paraang Paglalarawan o Descriptive Method. Ang mga pangunahing paraang ginamit sa pagtatala ng mga mahahalagang datos ay sa pamamagitan ng matamang pagmamasid at pagbabasa ng mga kaugnay na kaisipan sa nasabing paksa. Ginamit sap ag-aaral na ito an Paraang Kwantiteytiv o ang tinatawag na “Quantitative Research Method” Ito ang ginagamit sa mga sarvey, ibinabatay rin sa pormula, talahanayan, pahkuha ngporsyento o bahagdan, sap ag-aanalisa ng mga datos, sa pagpapatunay ng kaugnayan ng mga baryabol at nangangailngan ng tinatawag na probability sampling.

            Ang mananaliksik ay gumamit ng sarvey-kwestyoner o talatanungan sa pangangalap ng mga datos upang matugunan ang naturang suliranin. Isinasagawa ang pag-aaral na ito sa taong panuruan na 2016-2017.

 

KABANATA II

MGA KAUGNAY NA LITERATURA AT PAG AARAL

Nakapaloob sa kabanatang ito ang mga batayan na nagamit ng mananaliksik bilang gabay, komparatibo at pundasyon ng pag-aaral lalo’t higit ang mga matalinong pagpapakahulugan ng mga pinagkakatiwalaang mga manunulat sa panitikan, pagsusuri na lubos na natutuhan ng mga mananaliksik.

Mga Kaugnay na literatura

Batay sa sanaysay ni Matthew Arnold na Sweetness and Light. Ang panitikan ay mayroon kakaibang kapasidad upang maging kabuan ng pagkatao – sa kanyang damdamin, paggawa at dahilan na may kaugnayan sa pamumuhay ng tao. Ang panitikan ay may kapasidad na makapagbigay ng gawain upang maitaas ang kamalayan at simpatiya. Likas sa panitikan na makapaghatid at moral. Pinatunayan ni Arnold ang kritisismo ng buhay para sa kultura, ay ang payak na pangkaisipan sa pagka perpekto. Huminging makabuo ng dahilan at paggawa na ibinibigay ng Diyos. Bagaman ang pagsasama ng kalikasan ng tao nangangailang ng parehong kaisipan at espiritwal. Kayat sinasabi niya sa kanyang The Function of Criticism.

Criticism is a disinterested endeavor to learn and propagate the best that is known and thought in the world.  Meaning the disinterestedness that quaity which liberates on from motives of sef interest. Without in the attainment of perfection of our humanity is not possible.The pursue of sweetness ang Light beauty, harmony, inteligence – the ideal Greeks and exercising this craft. The critic - literacy or otherwise must make this ideal prevail for it is moral imperative “he who works for machinery he who works for hatred, works only for confioucions.

Ayon sa Republika ni Plato ika–10 na aklat, sinabi niya ang panitikan ay dalawang ulit na kopya na lamang ng realidad. Naniniwala si Plato na ang mundo ay idea na perpekto, kung ito’y kokopyahin na ang ikalawang ulit hindi na magiging perpekto ang tao.

Ayon naman sa Poetics ni Aristotle, ayon sa batas ng probabilidad o pangangailangan- ang makata ay nagbibiay espekulasyon at naiisip ukol sa kalikasan ng realidad patungo sa kanyang unibersal na pagkahubog.

Ayon kay Longinous sa kanayang Sublimity ang kahulugan ng panitikan ay nakukuha sa pilosopikal na magiging basehan para sa kahusayan. Para sa kanya ang pangunahing katangian ng panitikan ay maiparanas sa mababasa at maihatid sa isang mundo. Siya rin ang nagpapahalaga sa ekstraordinaryong pwersa ng panitikan mula didaktiko at pagka-matalino ng isang makata.

Sa paunang salita ni Almario (2006), sa kanyang aklat na pag unawa sa ating pagbasa at pag unawa sa ating pagtula nagbigay ng dalawang pamamaraan

“Kung teorya sa panitikan ang paguusapan sa palagay ko’y may dalawa lamang malaking paraan ng pagtanaw sa panitikan. Ang dalawang pagtanaw na ito ay sinikap ni Horace sa kanyang dictum na dulce et ulite. Tamis at tungkulin. Kinakatawan ng Tamis ang paninindigan ng isang imbensyon o likhang pangwika ang panitikan, isang katangiang paraan ng pang wika. Kaya may paniwalang tila alak na nakalalasing o may mahika ang ilang tula at awit. Kinakasang kapan ng makata sa wastong pagkakataon ay sari saring tayutay at laro ng salita upang lumikha ng himig na panloob na panindig ng madla at binabalangkags ng mangangatha at mandudula alisunod sa mga takdang paraan ng paghahanay ang mga karanasan upang manabik at dumanas ng matinting takot, galit lungkot o galak ang mambabasa manonood. Sa kabilang dako kinatawang ng ng tungkulin ang paniwalang isang mimesis ang panitikan, isang panggagaya ng buhay at daigdig. Sapagkat bahagi ng lipunan at panahon ang manunulat nagiging instrunento siya o ang kanyang akda upang magtanghal ng isang hiwa ng buhay magsisilbing salamin o budhi ng lipunan o kinatawan ng rebolusyonaryo at reaksiyonaryong hanay sa kasaysayan”

Batay  sa aklat ni  Tores Yu (2008) Tuon sa pagsusuri ay nasa kapaligirang panlipunan at sa aksyon ng kwento na nagsasadula sa makatao’t panlipunang ugnayan ng mga tauhan.

Sa loob ng sistemang ito ng panunuri nagiging tiyak ang paggamit ng mga sinundang ideya at mga paghahanda sa pamamagitan ng gabay na ibinibigay na mga sumusunod na tanong:

1.      Anong karanasan sa akda ang hinihingi nito na kasangkutan?

2.      Anong kamalayan ang pinaiiral sa akda? Bakit ganoon ang ugali/paniniwala ng tauhan? Anu – ano ang minamahalaga sa paglalarawang ito? Bakit?

3.      Kaninong ideolohiya ang pinatitibay o di kaya ay kinokontra ng akda?

4.      Paano ito nagagawa ng teksto?

Sa hanay ng mga kritikong mga Filipinong gumamit ng mga ideyang nabanggit, partikular noong dekada ’70 sinuri at hinusgahan ang akda ng isang manunulat.  Sa pamamagitan ng mga tanong na:

·         Ano ang sinasabi ng akda?

·         Kailan ito naisulat?

·         Sino ang sumulat?

·         Para kanino ito isinulat?

Ang pangatlong tanong ay may layuning alamin ang panahon kung kalian nabuo ang akda upang maintindihan ang ilang mga bagay tungkol sa inilalarawang karanasan.  Kung ito ay nasulat sa nakalipas na panahon, importanteng alamin kung anong klaseng lipunan ang umiiral noong panahong iyon.

Ang pang–apat na tanong ay may layung kilalanin ang manunulat kaugnay ng kaniyang posisyong ideolohikal.  Ipinapalagay na importante ito para sa paghusga sa kabuluhan ng manunulat at ng kaniyang akda sa usapin ng tunggalian ng mga uri para sa pagbabagong panlipunan.  Dito rin nauugnay ang panlimang tanong.  Tinitingnan na ng panlipunang binubuo ng mga panlipunang uri o social classes na nakapaloob sa mga tiyak na relasyong pamproduksiyon ang nagtutunggalian, kaalinsabay rin nito ng tunggalian ng mga pwersa ng produksiyon at ng relasyong pamproduksiyong umiiral.

Ayon sa aklat na Kilates ni Rosario Torres-Yu (2006) Inaalam, tinatantiya, tinitimbang, binubusisi, sinisipat, kinikilatis ng Filipino ang isang bagay para alamin o di kaya tiyakin kung magugustuhan niya ito o di kaya ay tatanggaping mahalaga at may kabuluhan.

           Kulturang Pilipino, inaalam muna kung ano ang isang bagay bago magsabi kung ano ang isang bagay bago magsabi kung ano ang iniisip di kaya ay niloloob ukol dito.  Sa pag – alam tinitingnan itong mabuti o sinisipat para makitang mabuti ang hindi kaagad nakikita sa unang tingin.

Iba’t ibang Lente, iba’t ibang Liwanag

          Sa seksiyong panunuri, ang unang pangkat ay binubuo ng mga ilang sanaysay na gumagamit ng tradisyong pormalistang panunuriang unang pangkat ay binubuo ng mga ilang sanaysay na gumagamit ng tradisyong pormalistang panunuri, nagsisimula ang pagbasang pormalista (neo-aristotelian) sa isang akdang pampanitikan sa pag – aralan kung anong karanasan ng tao o kilos ng tao ang nirerepresenta nito.Nanggagaling ang ganitong paraan sa pagdalumat sa mimesis  ng karanasan ng tao o kilos ng tao ang nirerepresenta nito.  Nangggaling ang ganitong paraan sa pagdalumat na representasyon o mimesis ng karanasan ng tao sa panitikan.  Sa representasyon ginagawa ng akda, gumagamit ang manunulat ng iba’t ibang paraang nakagawian na, pares ng paraang ramatiko na ang mga tauhan o persona ay nagsasalita at kumikilos nang naayon sa kaniyang sarili,ng paraang naratibo na nag mga karanasan ay ikinekuwento ng isang tagapagsalaysay, at ng paraang kombinasyon ng dramatiko at naratibo.  Bahagi parin ng pamamaraan ng representasyon ang wikang ginagamit ng manunulat, partikular ang mga pamamaraang pampanitikang naitatag na sa praktika ng pangkathang isang lipunan o komunidad na tinatawag ding tradisyon.  Maaari ring naming gumamit ang manunulat ng bago o hindi pa nagawa ng ibang manunulat.  Ang lahat ng ito ay lumikha ng bisa sa damdamin ng mambabasa. Itinuturing din na nagkakabisa ang akda sa pamamamgitan ng tiyak na damdaming madarama ng mambabasa.  Bahagi pa rin ng paraang ito ng pagbasa ang pagtugon ng mambabasa sa bisang ito sa kaniya ng akda, kaugnay ng karanasang naerepresenta. Binalangkas sa pabuod na paliwanag na ito ang mga importanteng salik ng tinatawag na “close reading” na ginagawa sa isang pagbasang pormalista.

Sa gabay ng mga ideyanag binabanggit maaaring gamitin ng mag – aaral ang sumusunod na panunurring pormalista nina Almario, Cruz at San Juan, Jr. bilang mga tiyak na halimbawa ng ganitong pagbasa.  Sa mga panunuring ito sila ay mambabasang gumagawa ng pagtugon sa karanasang siyang paksa ng representasyon sa mga binasa nila.

Sikaping alamin kung papaano nasasagot ng kanilang panunuri ang mga tanong na:

1.      Anong karanasang na siyang paksa ng representasyon ng mga akdang binasa ang tinutukoy sa bawat pagbasa?

2.      Paanong inilarawan o inirepresenta ang karanasan?

3.      Anu – anong mga pamamaraang pampanitikan ang ginagamit sa akda?

4.      Anong bisa ng representasyon ang tinukoy ng mga nagsuri?

5.      Ano ang nagingbisa nito rito?

Makalipunang panunuri ang mga halimbawa ng mga babasahin sa ikalawang pangkat sinasakop nito ay ang pagbasa sa akda na humahanga ng mga bagay – bagay na nagpapaliwanag sa akda (kahulugan at bisa) mula sa mga bagay na nakapaligid dito sa konteksto, tulad ng kasaysayan, panlipunang realidad, ideolohiya, politika, ekonomiya at iba pa.  Gayundin naman tinitingnan sa pagbasang ito ang pag –uugnayan ng akda at ng tiyak na pangkasaysayan kaligiran at ng panlipunang kaayusan.   Alinsunod sa ganitong pagpapalagay, ang panitikan ay may sosyolohiya, may kasaysayan, may ekonomiya at may politika.

Ayon sa ipinaskil ni Roberto Antonio sa kaniyang blog noong Marso 26, 2008 sa kaniyang pananaw “hindi kailangnag maging tagasunod lamang palagi upang makakuha ng pasadong Grado makabubuting magsalita.  At Sama – samang kumilos nang mabunyag ang katotohanan, at maiwasan na ang ginagawang kagaguhan sa ating wika at panitikan.

Noong ika-18 siglo ang rasyunal na tao ay binigyang kahulugan bilang isang nangunguna by his instints ayon kay Emanuel Kant ang rasyunal bilang asal ng tao ay nagsisilbing giya ng batas “everything in nature works in accordance with Laws” ang isang taong rasyunal ay may kapangyarihan na kumilos batay sa ideya ng tuntunin at kumikilos dahilan upang ang kilos na gagawin ay naaayon sa batas.

                Ayon naman kay Marx Weber ang pagiging rayunal sa kilos ay deliberate choice of means upang marating ang layunin, sa tulong ng umiiral na kaalaman, ang kahalagahan ng kapitalismo sa organisasyong rasyunal sa lahat ng bahagyang magpapanatili ng kapakinabang, tulad ng wika ni Ludwig von Mises na ang pagkilos ay nabase sa dahilan kung bakit ito ginagawa, alam niyang isa lang  ang katapusan, ang pinakamalaking plesyur sa kumikilos na tao.Sangayon sa sinasabi ni Hempel  “man is a rational being indeed: he can guide a reason for anything he does”.

Ayon naman kay Abelard ang kilos na tama at ang pagkilos ng malayo sa tama ay ginagawa ng mga taong mabuti at masama. Ang Diyos ay kinokonsedera hindi ang kilos bagkus ang espiritu ng kilos, ang intensiyon at hindi ang ginagawa. Samakatuwid ang teolohiya ay naniniwalang ang intensiyon ay isang paghawan at pagputol sa konsepto.

Ang intension minsan ang dahilan ng aksiyon ng tao, ito rin ang motibo o dahilan na nagsisislbing paglalarawan sa kilos at naipapaliwanag kung bakit ito ginagawa, ang kilos ay dapat nanggagaling sa kapangyarihan at abilidad na gumawa at maisagawa sa pamamagitan ng pagkilos. Ang dahilan sa isang aksyon ay hindi dapat intension, sa pagiging rasyunal kailangan kumilos sa pamamagitan ng rason kung bakit ito ginagawa. “freedom is a postulate on which we all act”.

                Ang tunay na kamalayan ay hindi nagbabago bagkus kumikilos batay sa dahilan upang maintindihan ang kabuuan.Katulad ng tinutukoy nina Hume, Mill at Russell ay hindi nagsisimula sa dahilan o hindi nakikilala kundi ang pagiging uncoerced or uncompelled.

Ayon naman kay Virgilio S. Almario, kaniyang binigyang linaw at diin ang isang katangiang taglayin ng isang guro upang maging eksperto o maalam sa pagbabasa at pagtuturong panitikan.  Isang paninging kritikal, ang ugali ng isip at pandama na huwag basta sumunod sa batas at tuntunin: ang ugaling magnilay bago magsalita, at lalo na bago magpasya.  At kaugnay ng mga ito, ang ugaling magsaliksik at matiyagang magsuri sa kahit gaano kaliit na suliranin: at higit sa lahat ang ugaling maging bukas sa kabaguhan at kahandaang tumanggap ng pagbabago’t pagwawasto.

 

Ayon kay Maria Luisa F. Torres ang panitkan o literatura ay hindi isang abstrakto’t unibersal na konsepto na pinatitibayan lamang ng panunuring pampanitikan sa anumang panahon.  Ang panitikan ay function (bisa at sanhi) ng mga paggamit ng mga aparato o mga kasangkapan ng disiplina ng panunuring pampanitikan.  At bilang isang institusyon na nakapaloob sa isang disiplina, ang panunuring pampanitikan ay isang praktikang diskursibo, ito ay isang gawaing pulitikal at ideolohikal.

Mga Kaugnay na Pag aaral

Sa pag aaral na isinagawa ni Bresslers (1996) sinasabi sa pagbabasa ng akda, may malay o wala nakabubuo tayo ng konsepto o dalumat na ekspektasyon sa nobela, maikling kwento, tula at iba panga ganra ng akdang pampanitikan. Dagdag pa nito nakadepende sa ating konseptong pipiliin upang mapahalagahan ang isang teksto. Habang bumabasa ng teksto naiimpluwensiyahan ng dalumat na ito ang gawi, pagpapahalaga, at aestetikang paghusga sa isang akdang pampanitikan at nakahuhubog ng teoryang pampanitikan. 

Literary theory – the assumptions (conscious or unconscious) theundergird one’s understanding and interpretation of language, the construction of meaning art, culture aesthetics and ideological positions.

Ang sinomang nakapagbibigay ang reaksyon sa akda ay nagsasapraktika na ng pagsusuri at dahil sa pagsasapraktikal na kritisismo ay nakaugat sa kondisyon ng isip ng mambabasa. Kaalinsabay ang ekspektasyon habang bumabasa ng akda. Bawat bumabasa ay nagtataglay ng ibat ibang uri ng teoryang pampanitikan. Bawat isa ay nagtataglay ng teoryang maaring namamalayan at hindi namamalayan. Ang mambabasa ay nakabubuo ng metodolohiya kung nakakapaglatag ng prinsipyo, nabibigyang patunay, kaayusan at mabigyang linaw ang sariling pagpapahalaga sa isang akda sa parehong pagkakataon.  

Batay sa pag-aaral ni Melendez (2001) ang teorya ng panitikan ay isang pagpapaliwnag sa kalikasan (nature) at tungkulin (function) ng panitikan.  Isang mabisang makapaglilinaw sa kalikasan at tungkuling panlipunan ng panitikang Pilipino.  Ang ideolohiya na siyang pusod wari na nag-uugnay sa panitikan sa sinapupunan nitong pangkasayasayan at panlipunan.  Ang diin ay nasa diyaklektikal na ugnayan ng panitikan at lipunan o kasaysayan.

Ang pagkaobhetibo ng realidad, maging ito man ay pangkalikasan o panlipunan, sikolohikal o ideolohikal, may sariling katangian at umiiral nang hiwalay sa makataong kamalayan (human consciousness); dahil obhetibo ang naturang realidad, maaring masapol ang iba’t ibang nitong aspekto sa pamamagitan ng karanasan o aktibong pagmamasid o obserbasyon.  Ito ang yugtong perpseptual ng kognisyon ang yugto ng pandama at impresyon ng mga bagay – bagay (phenomena).

Sa Tesis ni na iniharap ni David (2008) na Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo ng Panitikan sa Terstarya. Inihanay niya ang mga estratehiyang ginamit sa tatlong (3) Unibersidad sa Pampanga ito ang mga tanungan, malayang talakayan at aktibong gawain. Nalaman sa pag-aaral na ito na masasabing mabisa ang estratehiya kung nagagamit ng mag-aaral ang panitikan ayon sa kanilang pokus na kurso.

Ayon kay Cantal (2000) ang anumang etratehiya o metodo ay mabisa kung ito ay naaangkop sa uri ng aralin, mag-aaral (edad, antas ng pag-aaral, paraan ng pag-aaral, motibasyon at kahandaang kognitib at sosyo, emosyonal), kapaligiran at layunin ng pagtuturo. Ang mahusay na klasrum pangwika ay yaong aktibong interaksyon sa pagitan ng guro at estudyante at estudyante sa kanyang kapwa estudaynte. Ang guro ay magsisilbing tagapatnubay/pasiliteytor lamang sa ibat ibang gawain sa klasrum at ang mga estudyante naman ay aktibong nakikilahok sa iba’t ibang gawaing pangkomunikasyon. Sa interaksyon ng mga mag-aaral sa kapwa mag-aaral, kailangan bigyan sila ng pantay na pagkakataon na makilahok sa iba’t ibang gawain upang malinang ang kanikanilang kasanayan.

Konseptwal ng Pag aaral

            Sa paradigma ng pananaliksik, ipinapakita rito ang ugnayan ng mga pangunahing baryabol na bibigyang tuon sa pag-aaral na ito. Ang input ay pinagmula ng mga bagay o materyales na paghahanguan ng mga kinakailangang impormasyon para sa gagawing pag-aaral.

            Ang mananaliksik ay magdownload ng kopya ng K to 12 Kurikulum sa Filipino upang malaman ang tunguhin ng mga mag-aaral sa sekundarya.

            Sa kabilang banda, gumamit din ang mananaliksik ng mga sangguniang aklat, pahayagan, journal at mga handouts mula sa mga palihang dinaluhan na magsisilbing pantulong tungo sa pagpapalawak at lubusang pag-unawa sa paksang pag-aaralan. Gagamit din ang mananaliksik ng mula sa internet para sa karagdagan at makabagong impormasyon sa may kaugnayan sa paksang tatalakayin.

            Naging batayan din ng pag-aaral na ito ang ilang piling tesis na kasangkot sa suliraning pinag-aaralan. Makakatulong nang malaki ang mga nakaraang pag-aaral upang lalong maging malinaw at detalyado ang kasalukuyang pag-aaral sa pamamagitan ng paghahambing sa pagkakatulad at pagkakaiba ng mga salik na pumapaloob sa mga nakaraang pag-aaral at kasalukuyang pag-aaral.

            Tungo sa katuparan ng pag-aaral na ito, ang mananaliksik ay naghanda ng isang talatanungan na nagsilsilbing pangunahing instrument sa pangangalap ng lahat ng mga kinakailangang datos na nagbigay-kasagutan sa suliraning inilahad.

            Kabilang sa mga hakbang o proseso para sa inihandang talatanungan ay ang mga sumusunod; una ay ang pagpili ng respondent; ikalawa, paggawa ng sarbey kwestyoner; ikatlo, pagpapasagot sa mga respondent; ikaapat, pagtatally at pagaanalisa ng mga nakalap na datos at ang paggamit ng F-Test sa pagsukat sa pagkakaiba ng mga naging katugunan sa tatlong kursong pinag-aralan; ang huli ay ang paggawa ng lagom, konklusyon at rekomendasyon.

            Ang kabuuang respondente sa pag-aaral na ito ay limampung mag-aaral sa sekundarya na mula sa iba’t ibang antas. Ang ginawang talatanungan ay may kaugnayan sa pangunahing suliranin at mga tiyak na suliranin.

            Pagkatapos mabuo ang talatanungan at maiwasto, ang mananaliksik ay nagtakda ng araw upang maipamahagi at maipasagot ang mga ito sa mga respondent ay itinally at sinuri ng mananaliksik.

            Ang magiging resulta sa pag-aaral na ito ay binigyang interpretasyon ng mananaliksik at ito ang naging batayan ng ginawang buod, konklusyon at rekomendasyon. Dito lilitaw ang mga mabisang estratehiya sa pagbasa/pagtuturo ng Akdang Panitikan sa antas sekundarya.

            Sa pag-aaral na ito ay nais patunayan ng mananaliksik kung ano sa mga esratehiya sa pagtuturo ng Panitikan ang mabisang magagamit sa mga araling nakapaloob sa pagtuturo ng Panitikan. Gayundin ipapakita sa pag-aaral na ito ang mga lebel ng pagkatuto ng mga mag-aaral sa bawat estratehiyang ginamit.

            Ang magiging resulta nito at makatutulong sa lalong ikahuhusay at ikabibisa sa pagtuturo ng mga gurong nagtuturo ng Panitikan at sa lalong ikauunawa at pagkatuto ng mga mag-aaral ng Panitikan.

            Sa pamamagitan ng paradigm, mauunawaan ang mga naging input o salik na may kinalaman sap ag-aaral na ito at kung paano ang mga ito ay makatutulong sa paglutas ng pangunahing suliraning inilahad sa pag-aaral na ito. Gayundin, ang mga proseso o pamamaraang ginamit upang maisakatuparan ang input ng pag-aaral.

 

Paradigma ng Pananaliksik

Makikita sa bahaging ito ang naging input sa pag-aaral na ito, gayundin ang prosesong gagamitin at magiging ouput sa kabuuan.
























\Talangguhit I. Mga Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo ng Akdang Pampanitikan sa Mataas na Paaralan

Ang arrow ang nagpapakita ng koneksyon o daloy ng mga baryabol mula sa input patungong output, gayndin ang pamagitnang prosesong ginamit sap ag-aaral na ito.


KABANATA III

METODOLOHIYA AT DISENYO NG PANANALIKSIK

Ang kabanatang ito ay binubuo ng paraan ng pananaliksik na ginamit ang mga tagasagot o respondent, kagamitan at teknik na isinagawa, paglilikom at pagsusuri ng mga datos.

Disenyo ng Pananaliksik

Ginamit ang pamamaraang palarawan sa pagsusuring pamantayan sa pag-aaral na ito (Normative Survey) sa dahilang naniniwala ang mananaliksik na sa pamamagitan nito ay magiging malinaw at tiyak ang mga datos na makukuha mula sa mga tutugon sa mga katanungang iniharap sa mga gurong kasama sa pag-aaral.

Gagamit ng deskriptibong pamamaran ng pag aaral ng paksa. Ang pamamaraang ito ay ang proseso ng pangangalap, pag aanalisa, pagkaklasipika at pagtala ng mga datos tungkol sa kasalukuyang kondisyon, Gawain, paniniwala, at ang relasyon ng sanhi at bunga ng isang grupo o indibidwal. Sa pamamagitan ng pamamaraang ito na sasagot ang mga tanong na “ano ang” gawain ng isang indibidwal sa kasalukuyang phenomena (Dagdag et al.)

Mga Respondent

Ang mga tagasagot sa pag-aaral na ito ay isang daang mag-aaral (120) na nagmula sa ibat ibang paaralan ng Pampanga partikular na ang mga mag-aaral sa La Verdad Christian School.

Ang mga mag-aaral na kalahok sa pag-aaral na ito ay yaong mga mag-aaral mula sa ikapitong baitang hanggang ikasampung baitang lamang.  Tatlongpung mag-aaral mula sa baitang pito. Tatlongpung mag-aaral mula sa baitang walo. Tatlongpung mag-aaral mula sa baitang siyam at Tatlongpung mag-aaral mula sa baitang sampu.

 Kagamitan at Teknik ng Pananaliksik

Ang mananaliksik ay naghanda ng isang Sarbey-Kwestyoner o Talatanungan na naglalayong makapangalap ng mga datos upang masuri ang mga mabisang estratehiya sa pagtuturo ng panitikan sa mga mag-aaral sa antas ng sekundarya.

Pagsusuri ng Datos

Ang mga datos na nakalap ay ginamitan ng pagbabahagdan, katumbas na bigat at pagraranggo. Gamit ng mananaliksik ang mga sumusunod na rating na magsisilbing gabay sa sariling pagpapasya ng mga respondent.

Rating

Interpretasyon

5

Ganap na Pagkatuto (GP)

4

Sapat na Pagkatuto (SP)

3

Katamtamang Pagkatuto (KP)

2

Walang Gaanong Pagkatuto (WGP)

1

Walang Pagkatuto (WP)

 

Pormula na Gagamitin sa Pagkuha ng Porsyento

%         =         f x 100

                                    n

Kung saan:

f - Bilang ng mga tugon o respondent

n - kabuuang bilang ng respondent

Ang Pormula para sa Weighted Mean:

Wm = EWf

N

 

Kung saan:

 

Wm – Weighted Mean

EWf – Summation of the product of five point scale and their corresponding frequencies

N – Kabuuang bilang ng mga respondent

Ang mananaliksik ay gumamit ng mga sumusunod na pagsukat upang mapadali ang pag-aanalisa at pag-iinterpret ng mga datos na nakalap.

Istatistikal na Hanay

Deskriptibong Ebalwasyon

4.50 – 5.00

Ganap na Pagkatuto (GP)

3.50 – 4.49

Sapat na Pagkatuto (SP)

2.50 – 3.49

Katamtamang Pagkatuto (KP)

1.50 – 2.49

Walang Gaanong Pagkatuto (WGP)

1.00 – 1.49

Walang Pagkatuto (WP)

 ***** mula sa kahingiang papel pananaliksik sa asignaturang Introduction to Research 1 sa BulSu

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)