Epiko ni Alp Er Tonga (Epiko mula sa Turkey)
Nang malaman ni Haring Peseng ng Turkey ang tungkol sa kamatayan ni Haring Minuçehr ng Persia, tinipon niya ang kaniyang hukbo upang makipagdigmaan sa Persia. "Alam ninyo ang ginawa ng mga Persian sa atin. Ito ang panahon para sa mga Turko na maghiganti," ang wika ng hari. Ang anak niyang si Alp Er Tonga ay nag-uumapaw ang galit. Sinabi niya sa kaniyang amang hari, "Ako ang taong kayang labanan ang mga leon. Ako ay maghihiganti sa Persia. Siya ay may likas na tangkad. may bisig at katawang tulad ng isang leon, may lakas tulad ng elepante, at may dilang tulad ng matalim na espada.
Nang nagsimula ang paghahanda para sa labanan, tumungo sa kaharian ang isa pang anak ng hari, si Alp Ariz na nagwika sa kaniyang ama, "Ama! Ikaw ang dakila sa lahat ng mga Turko. Alam nating patay na si Minuçehr, subalit mayroon pa rin itong magigiting na hukbo. Huwag tayong magpadalos-dalos. Kung gagawin natin ito, ang ating bansa ay maaaring mawasak.” Sinagot ni Haring Peseng ang kaniyang anak, "Si Alp Er Tonga ay isang leon sa pangangaso at isang pandigmang elepante sa giyera. Siya ay isang bayani, buwaya. Kailangan niyang maghiganti para sa ating mga ninuno. Kailangang samahan mo siya. Kapag naging luntian na ang damo sa mga kapatagan, samahan mo ang mga sundalo patungo sa Amul. Hayaan ninyong manginain ng damo ang mga kabayo ninyo sa Persia. Pintahan ninyo ng dugo ang kanilang katubigan."
Panahon ng tagsibol nang nagtungo na ang hukbo ni Alp Er Tonga sa Persia. Nakarating sila sa Dehistan. Nagkaharap ang dalawang hukbo. Si Barman, isa sa mga bayaning Turko, ay lumapit sa mga Persian at nanghamon ng pang-isahang laban. Tiningnan ng heneral ng Persia ang kaniyang hukbo. Walang sinuman sa kanila ang kumilos. Si Kubad, kapatid ng heneral, ang tanging humakbang sa unahan. Subalit siya ay matanda na. Sinabi ng heneral sa kaniyang kapatid, "Si Barmana Ikaw ay matanda na. Ang ating mga tao ay matatakot kung ang puting buhok mo ay bata pa na may pusong wangis ng leon. Siya ay may hindi pangkaraniwang tangkad. makukulayan ng dugo." Subalit si Kubad ay hindi nakinig sa kaniya. "Ang tao ay isang mangangaso at hinahanap siya ng kamatayan," ang sagot niya at siya'y tumungo na sa laban. Sinabi ni Barman kay Kubad, "Ibinibigay mo ang iyong ulo sa akin. Dapat ay naghintay ka kahit sandali man lamang. Binabalak ko ang pagkuha ng iyong buhay Sumagot si Kubad habang inihahanda ang kabayo sa kaniyang pagsugod, "Naibigay ko na ang dapat kong ibigay sa mundong ito." Sina Barman at Kubad ay naglaban mula umaga hanggang gabi. Sa huli, nasibat ni Barman si Kubad. Nagbalik siya kay Alp Er Tonga nang matagumpay. Nang makita ito, ang hukbo ng Persian ay sumulong. Ang dalawang hukbo ay nagkalapit. Hindi pa kailanman nagkaroon gayong labanan. Nanaig si Alp Er Tonga. Ang mga Persian ay umatras. Ang barg Persia ay pinauwi sa tahanan ang kanyang dalawang anak na lalaki, at ang m babae ay pinapunta sa Bundok Zave.
Ang hukbo ng Turko at Persian ay nagpahinga ng dalawang araw, at sa ikatlon araw, muling sumalakay si Alp Er Tonga. Ang lugar ay napuno ng mga bangkay at mga sugatang pinuno ng Persian. Pagsapit ng gabi, ang mga nalabing Persian ay gumapang palayo. Ang hari at ang heneral ng Persian ay tumakas patungon kastilyo ng Dehistan. Si Alp Er Tonga ay naglatag ng plano upang kubkubin sila Tumakas ang hari ng Persia ngunit sinundan siya ni Alp Er Tonga at ito'y binihag
Ang magiting na haring si Zal ng bansang Kabil, kakampi ng Persia, ay dumating upang tulungan ang mga Persian. Matapos ang malalaking digmaan, natalo niya ang mga Turko. Pinagsiklaban ng galit si Alp Er Tonga dahil sa nangyari at pinaslang niya ng kaniyang espada ang bihag na hari. Ang iba pang mga bihag ay papaslangin din ngunit sinabi ni Alp Ariz, kaniyang kapatid, na huwag itong ituloy. Sa halip, ipinadaia niya ang mga bihag sa Sari at ibinilanggo roon. Nagtungo si Alp Er Tonga sa R sa Dohistan at itinalaga ang sarili na hari ng Porsia, Pinaslang niya ang kaniyang kapatid dahil pinatakas nito ang mga bihag sa Sari.
Nang napunta kay Zov ang trono ng Persia, ang dalawang hukbo ay muling nagsagupaan, at naglaban nang limang buwan. Nagkaroon ng taggutom. Dahil dito, napagkasunduan ang kapayapaan upang ang sangkatauhan ay hindi mamatay. Ang mga bansa sa hilaga ng Persia ay naging bahagi ng Turan.
Gayon man, nang mamatay si Zev, muling sinalakay ni Alp Er Tonga ang Persia. Ang kaniyang ama ay galit sa kaniya dahil pinaslang niya si Alp Ariz. Subalit nang mamatay ang bagong hari ng Persia at nabakante ang trono, iniatas ni Pesong sa kaniyang anak na kunin ang trono. Ikinatakot ng mga Persian ang pagdating ng hukbong Turko at nagpaabot ng mensahe kay Zal. Sinabi ni Zal na siya ay matanda na, at sa halip, pinapunta ang kaniyang anak na si Rustem. Sa digmaan sa pagitan ng pangunang hanay ng dalawang hukbo, natalo ni Rustem ang mga Turko at kinuha ang korona. Sa labanan ng mga hukbo, nakaharap ni Rustem si Alp Er Tonga. Magagapi na sana ni Rustem si Alp Er Tonga subalit dumating ang mga mandirigma upang iligtas ang huli. Napatay ni Rustem ang 1160 mandirigmang Turko nang isahang pagkakataon at natalo ang mga ito. Lumipat sila sa Ceyhun. Umuwi si Alp Er Tonga at kaniyang kinumbinsi ang ama na makipagkasundo, at nagkaroon ng kapayapaan.
Matapos kunin ni Keykavus ang trono ng Persia, ang mga Arab ay nag-aklas. Si Keykavus ay nalasing sa pagdiriwang ng kaniyang tagumpay at siya ay nabihag. Ang balita ay ikinabahala sa Persia. Kasama ng kaniyang malakas na hukbo, sinalakay ni Alp Er Tonga ang mga Arab at natalo ang mga ito. Ang hukbong Turko ay nakapasok sa Persia at sinimulang bihagin ang lahat. Muling humingi ng tulong ang mga Persian kay Zal, Nailigtas ni Zal si Keykavus mula sa mga Arab at ginawa niyang bahagi ng kaniyang hukbo ang mga ito at sinalakay ang mga Turko. Kalahating bahagdan ang namatay sa madugong digmaan, at si Alp Er Tonga ay natalo at tumakas. Isang araw, pitong tanyag na bayani mula sa Persia ang lumapit kay Rustem at iminungkahi ang pagtugis kay Alp Er Tonga sa kaniyang lupain. Pitong araw silang naglagi sa lupain malapit sa Sirahs. Nang malaman ito ni Alp Er Tonga, pumunta siya roon kasama ang kaniyang hukbo. Ang mga mandirigmang Turko ay natalo ng mga Persian sa pang-isahang tagisan, at saka sumama sa labanan si Rustem at kaniyang mga mandirigma. Muntikang nabihag si Alp Er Tonga.
Habang si Keykavus ay abala sa kaniyang gawaing pag-ibig at pag-aaliw sa Persia, lumapit si Alp Er Tonga sa kaniyang hukbong kabayuhan. Nabalitaan ito ni Keykavous. Ipinadala niya ang kaniyang anak na si Sivayus at si Rustem laban sa mga Turko. Natalo nila ang pangunang hanay ng hukbo at nakuha ang kastilyo ng Belh. Sa puntong ito, si Alp Er Tonga ay nagkaroon ng masamang panaginip. Dahil sa mungkahi ng kaniyang mga tagapayo, siya ay nakipagkasundo sa mga Persian. Pinakawalan niya ang mga nabihag. Nilisan niya ang mga lungsod ng Buhara, Samarkand, at Chach, patungong lungsod ng Gang Subalit hindi nais ni Keykavus ang gayong kapayapaan at siya ay nagalit kina Rustem at Siyavus. Si Rustam ay nagbalik sa kanyang bansa dahil sa gayong pagtrato sa kaniya. Si Siyavus ay humingi ng tulong kay Alp Er Tonga. Siya ay pinakitunguhan nang ma mataas na paggalang sa lungsod ng Gang. Nagawa niyang mahalin siya ng lahat Sa katunayan, napangasawa niya ang anak ng bayaning Turko na si Piran. Hine nagtagal, naging asawa naman niya ang magandang si Ferengis, pinakamatandang anak ni Alp Er Tonga. Si Siyavus ay nagkaroon ng anak na lalaki sa kaniyang unang kabiyak na pinangalanan nilang Keykhusrev.
Hindi nagtagal, ang mga taong ayaw kay Siyavus ay nagsalita laban sa kaniya kay Alp Er Tonga. Naging dahilan ito ng hidwaan sa pagitan ng dalawa. Si Siyavus ay pinaslang. Si Rustem ay muling nagpakita. Sa unang digmaan, napaslang nila ang anak na lalaki ni Alp Er Tonga na si Sarka. Si Alp Er Tonga ay nagmartsa upang ipaghiganti niya mismo ang anak. Subalit nang manalo ang mga Persian sa digmaan, sinundan nila si Alp Er Tonga sa Dagat Tsina. Pinaslang ni Rustem ang sinumang makita, at muli siyang nagbalik sa kaniyang bansa matapos ang anim na taon. Lumuha si Alp Er Tonga nang makitang sunog ang Turan, ang kaniyang bansa, at namatay ang mga Turko. Sumumpa siyang maghihiganti. Tinipon niya ang hukbo at sinalakay ang Persia. Sinunog niya ang mga ani. Sinakop niya ang Persia. Nilikha niya ang isang taggutom at ang mga Persian ay nagutom nang pitong taon. Iniwan ni Keykhusrev ang trono. Sumumpa siyang maghihiganti laban kay Alp Er Tonga at siya ay bumuo ng hukbo. Subalit ang hukbong ito ay bumagsak bago pa man makaharap si Alp Er Tonga.
Muling nagpadala ng hukbo si Keykhusrev. Si Bazur, isa sa mga Turko, ay bumulong ng sumpa na naging dahilan ng pag-ulan ng niyebe sa mga bundok. Ang kamay ng mga Persian ay nanigas kaya hindi nila makuhang hawakan ang kanilang mga armas. Sa gayong paraan, nagapi nila ang hukbong Persian. Muling lumapit ang mga Persian kay Rustem. Matapos ang kahila-hilakbot na digmaan, muling nagapi ni Rustem ang mga Turko. Nadakip nila ang isang pinunong Tsino na kabilang sa hukbong Turko.
Labis na nalungkot si Alp Er Tonga nang marinig ito. Tinawag niya ang kaniyang magagaling na tauhan at hiningi ang kanilang payo. Sinabi nila, "Ano naman ngayon? Ang mga hukbo ng Tsino at Saklap ay nagapi ngunit walang anumang nangyan sa ating hukbo. Isinilang tayo ng ating mga ina na maaari tayong mamatay." Nagsimulang maghanda si Alp Er Tonga. Pinalakas ang kaniyang loob ng anak na si Side. Isang panginoong Tsino na tinawag na Puladvend na naninirahan sa mga bundok ng Tsina ang umanib sa hukbo ng Turan. Sa huli, si Rustem ay nagapi. Ang mga hukbo ng Persia at Turan ay naglaban. Ang mga Persian ay nanalo. Tumakas si Alp Er Tonga.
Pagkatapos, pinamunuan ni Keykhusrev ang dalawang-katlo ng mundo. Isang araw habang siya ay umiinom ng alak sa palasyo, ang mga Persian na malapit sa hangganan ng Turan ay dumating at sinabing ginagambala sila ng mga mamamayan ng Turan. Pinapunta ni Keykhusrev ang isang bayaning Persian na si Bijen upang lutasin ang suliranin. Sa hangganan, nakita ni Bijen ang magandang dilag na si Menije, kasama ng kaniyang mga kaibigan sa kakahuyan. Ni Memije ay anak ni Alp Er Tonga. Nahulog ang kanilang loob sa isa't isa. Isinama ni Menije si Bijen sa palasyo sa Turan. Galit na galit si Alp Er Tonga nang marinig ito. Ibinilanggo niya sa isang balon si Bijen at pinalayas sa palasyo ang kaniyang anak. Nang malaman ng hari na ang kaniyang batang bayani ay hindi pa nagbalik, muli niyang ipinadala si Rustem. Si Rustem ay nag-anyong tulad ng isang mangangalakal at pumunta sa kabisera ng Turko. Iniligtas niya si Bijen, sinalakay ang palasyo ni Alp Er Tonga, at ipinadala si Menije sa Persia. Muling bumuo ng bagong hukbo si Alp Er Tonga.
Ang bundok na "Bisutun" ay nasa likuran ng hukbo ng Persian. Muling nanalo ang mga Persian sa digmaan, nang dahil kay Rustem. Si Alp Er Tonga ay tumaka hanggang sa malayong Karluk. Sinabi niya sa kaniyang mga panginoon, "Dati kon pinamunuan ang mundo. Ang Persia ay hindi naging dakila tulad ng Turan, kahit s panahon ni Minucehr. Subalit ngayon ay pinagbabantaan ng mga Persian ang aking buhay sa sarili kong palasyo. Nagpaplano ako ng malaking paghihiganti. Magmartsa tayo kasama ang libo-libong hukbo ng Turko at Tsino." Nagsimula silang pagsama samahin ang kanilang puwersa. Gayon man, nanalo ang mga Persian sa unang digmaan, kung saan wala si Alp Er Tonga. Muli niyang tinipon ang kaniyang hukbo at sumulong. Natipon niya ang dalawang-katlo ng kaniyang libo-libong hukbo. Nanatili siya sa lungsod ng Beykend. May mga tolda ng balat ng leopardo sa kaniyang lugar. Umupo siya sa trono ng ginto at mga hiyas. Ang mga bandila ng maraming bayani ay iwinagayway sa harapan ng kaniyang tolda. Siya ay nabalisa nang natalo ang unang hukbong kaniyang ipinadala. Sumumpa siyang hindi magbabalik hangga't hindi nakapaghihiganti. Ibinigay niya ang kalahati ng kaniyang hukbo sa anak na si Kara Khan at pinapunta ito sa Bukhara. Ang kaniyang anak na si Side (na ang tunay na pangalan ay Pesheng), Cohen, Afrasiyab, Girdegir at Sheyla, at ang kaniyang apo kay lla ay kasama sa hukbo. Tinipon niya ang mga kawal ng Chigil, Taraz, Oguz, Karluks, at kaniyang hukbong Turko.
Nang magharap ang dalawang hukbo, si Keykhusrev, hari ng Persia, at si Side, anak ni Alp Er Tonga, ay naglaban na ikinasawi ni Side. Lubhang nabagabag si Alp Er Tonga nang malaman ito. Kinabukasan, muling nagdigmaan. Sumalakay si Alp Er Tonga tulad ng isang taong sinasaniban. Napatay niya ang maraming magigiting na bayani ng Persian. Nagharap sina Keykhusrev at Alp Er Tonga. Ngunit hindi nais mga bayani ng Turan na labanan niya ang hari ng Persia, kaya hinawakan nila renda ng kabayo ni Alp Er Tonga upang mapalayo siya. Nang gabing iyon, dinala ni Alp Er Tonga ang kanyang hukbo sa Ceyhun.
Si Kara Khan at kaniyang hukbo ay nagtungo sa Bukhara. Nagpahinga sia sandali. At saka sila nagtungo sa kabiserang Gang. Ang lungsod ay tila paraiso. Mahalimuyak ang lupa at ginintuan ang mga ladrilyo. Ipinatawag ni Kara Khan ang mga hukbo mula sa iba'tibang lugar. Sinabi ng mga espiya na nakatawid na ng Ceyhun si Keykhusrev. Tumungo muna siya sa Sugd, nanatili ng isang buwan at nagmatyag Siya ay nagpatuloy. Ang mga Turko ay hindi nagbibigay ng tubig sa mga Persiana pinaslang ang mga Persian na nalamang sinusundan ang kanilang hukbo. Sinira ni Keykhusrev ang mga palasyo at kastilyo at pinaslang niya ang mga babae a lalaki, Ang dalawang hukbo ay nagtagpo sa llog Gulzariyun. Takot si Keykhusrev sa nagkaroon ng bagyo, at ang buhangin ay nagliparan patungo sa hukbo hukbo ni Alp Er Tonga. Nagtungo siya sa hulihan ng hukbo at nanalangin. Bigiang Umurong ang mga Turko. Ngunit pinigilan ni Alp Er Tonga ang kaniyang hukbo sa pamamagitan ng pagpaslang sa sinumang nais nang umurong. Sila ay at nakipaglaban nang buong husay. Ang dalawang hukbo ay naghiwalay na ng gabi. Muling makikipaglaban si Alp Er Tonga sa kasunod na araw. Ngunit is mensahero ang nagsabi sa kaniya na si Kara Khan na lamang ang nanana buhay sa kaniyang hukbo. Nagtungo siya sa disyerto kasama ng kaniyang kahit hindi pa sila handa. Nais niyang salakayin si Rustem. Binalaan ni Keykhus si Rustem at nanatiling nakasunod sa hukbo. Nakarating sa Gand si Alp Er To upang salakayin si Rustem, ngunit tumakas na ito. Pumasok siya sa lungsod. Ane tore sa mataong lungsod ay napakataas na kahit agila ay hindi ito malilipad. Puno ito ng mga pagkain. Mayroon itong bukal at lawa. Ang lawa ay abot-tanaw. Ito ay paraisong may magagandang hardin. Si Alp Er Tonga at ang kaniyang hukbo ay nagtungo sa Gang. Sumulat siya sa pinuno ng mga Tsino upang humingi ng tulong Dumating si Keykhusrev kasama ang kaniyang hukbo at umanib kay Rustem.
Naghukay sila ng mga bitag sa harap ng tore. Ang pinagpatong-patong na kahoy ay pinagningas.
Ang mga dingding ay pinabagsak. Sinalakay nila ang lungsod. Pinaslang nila ang lahat. Si Alp Er Tonga kasama ng kaniyang dalawang daang panginoon ay nakatakas sa pamamagitan ng lihim na lagusan sa ilalim ng palasyo. Nagtungo siya sa hari ng Tsina. Naghanda ng malaking hukbo ang hari. Lahat ng mga Turko mula sa lahat ng dako ay pumanig kay Alp Er Tonga. Si Keykhusrev ay nag-iwan ng komandante sa Gang at sinundan si Alp Er Tonga. Sila ay nagkita. Pinadalhan ng liham ni Alp Er Tonga si Keykhusrev na nagmumungkahing magharap sila sa isang paligsahan o pang-isahang laban. Hindi ito tinanggap ni Keykhusrev. Nang araw na iyon, ang dalawang hukbo ay naglaban hanggang sumapit ang gabi. Nang gabi, pinaghukay ni Keykhusrev ang kaniyang hukbo at ang ilan ay inatasang sundan ang hukbo ng Turko. Sumalakay ang mga Turko sa kalagitnaan ng gabi ngunit sila ay nabigo. Ilan lamang ang nagbalik sa hanay ng Turko at sila ay tinambangan ng hukbo ng kalabang nakasunod sa kanila. Nagapi ang hukbo ng Turko. Umurong si Alp Er Tonga at nagtungo sa disyerto kasama ang ilan sa kaniyang hukbo. Nagbalik mga kinatawan sa Gang si Keykhusrev. Natakot ang hari ng Tsina kay Keykhusrev at nagpadala ng mga kinatawan.
Nakipagkasundo si Keykhusrev sa hari sa kondisyong hindi na niya tutulungan si Alp Er Tonga Nang malaman ito ni Alp Er Tonga, labis siyang nabahala at muling nagtungo sa disyerto. Pumunta rin siya sa isang malawak na dagat. May isang bangkerong naroon. O, Kamahalan! Ang dagat na ito ay napakalalim at hindi ka makatatawid. Pitumpu't walong taong gulang na ako at wala akong nakitang anumang sasakyang-dagat na dumaan dito," ang sabi ng bangkero. "Mas mainam nang mamatay kaysa maging bihag," ang tugon ni Alp Er Tonga. Sumakay siya sa isang sasakyang-dagat at naglayag sila hanggang sa marating ang lungsod ng Gangidiz. "Kalimutan na natin ang nakaraan. Ang ating kapalaran ay magsisimula rito," ang sabi ni Alp Er Tonga at siva av natulog, Nalaman ni Keykhusrev na nakatawid siya ng dagat. Siya ay naghanda at nanakop ng maraming bayan hanggang marating ang baybayin ng dagat na iyon.
Natawid nila ito sa loob ng pitong buwan. Sinakop niya ang Gangidiz. Pinatay nila ang lahat ng kanilang makita subalit lihim na nakatakas si Alp Er Tonga. Nakarating si Keykhusrev sa Gang at ipinagtanong niya si Alp Er Tonga. Walang sinuman ang nakakakilala sa kaniya. Sa katunayan, si Alp Er Tonga noon ay nagpapagala- galang gutom at uhaw. Ginawa niyang tahanan ang isang yungib sa matarik bundok. Minsan, may tinawag na Hum na naninirahan sa yungib malayo sa mga tao. Isang araw, nakarinig si Hum ng panaghoy mula sa kuweba. Nananangis si Aln Tonga sa kaniyang naging kapalaran. Nang narinig na hindi Turko ang kaniyang wte ibinilanggo ni Hum si Alp Er Tonga. Gayon man, muli siyang nakatakas at tumalons tubig. Nabalitaan ito ni Keykhusrev. Nilinlang nila si Alp Er Tonga upang umahons tubig at saka siya pinaslang.
---wakas----
Sangunian:
Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at Panitikan
Marina Gonzaga-Merida, Cristina dimaguila-Macascas, Elynita S. Dela Cruz
Abiva Publishing House, Inc.
Mga Komento
Mag-post ng isang Komento