Filipino Quiz 101

Piliin ang pinakawastong sagot.

Easy
1.       Alin sa mga sumusunod na salita ang walang diptonggo: hilaw, beyte, tuloy, aliwan?
A.      beyte                                    C. tuloy
B.      hilaw                                     D. aliwan
2.       Anong pagbabagong morpoponemiko ang nagaganap sa kayarian ng mga salitang sumusunod:
madapat-marapat; kagawad-kagawaran; madunong-marunong; paadapan-laparan
A.      Paglilipat-diin                     C. Metatesis
B.      Pagpapalit ponema         D. Asimilasyon
3.       May isang prinsesa sa tore nakatira
Balita sa kaharian, pambihirang ganda
Bawal tumingala upang siya’y makita
Anong gagawin ng binatang sumusinta?
Ito ay isang karunungang-bayan na tinaguriang _________
I.                    Palaisipan
II.                  Salawikain
III.                Bugtong
A.      I at III                                             C. III lang
B.      II at III                                           D. I lang
4.       Ang ibig sabihin ng  talusaling ay ____
A.      manipis ang balat                                             C. may dumi sa balat
B.      maraming nunal sa balat                               D. may sakit sa balat
5.       Para ng halamang lumaki sa tubig
Daho’y nalalanta munting di madilig
Ikinaluluoy ang sandaling init,
Gayon din ang pusong sa tuwa’y maniig.
-F. Balagtas, Florante at Laura. Anong uri ng tayutay ang  nasa tula?
A. pagtutulad                                     C. pagwawangis
B. pagmamalabis                              D. pagpapalit-tawag

Average
1.       Sino ang gumamit ng sagisag na Tikbalang, Nanding, at Kalipulaki  sa ating propagandista ?_______
2.       Sino sumulat ng imortal na dulang “Walang Sugat” at tinaguriang ama ng dulang Tagalog? _________
3.       Sino ang makata ng Pampanga na sumulat ng “Kahapon, Ngayon at Bukas” sa sarili niyang wika? ___________
4.       Sino ang tinaguriang ama ng klasikong tagalog nang panahon ng kastila? ________
5.       Sino ang kauna-unahang nagsalin sa Tagalog ng Mi Ultimo Adios ni Jose P. Rizal? _________
6.       Ang panitikan na ukol sa kabutihang asal na sinulat ni Padre Modesto De Castro? ___________

Difficult
1.       Sino ang sumulat ng Vocabulario dela Lengua Pampango? __________
2.       Kung ang kaunaunahang aklat na nailimbag sa Pilipinas ay Doctrina Cristiana, Ano naman ang pangalawang aklat na nailimbag sa Pilipinas? ________
3.       Siya ang naglimbag ng El Guinto de Pueblo nang panahon ng Amerikano? _________
4.       Ang pinakaunang pelikulang produksyon ng Pilipino sa pamumuno ni Jose Nepomuceno hango sa dulang panteatrong ______________
5.       Ang pinakaunang pahayagan sa bansa na umabot sa labing limang tomo ay?___________
6.       Ang unang newsletter na nailimbag sa bansa noong 1637  ni Tomas Pinpin na may 14 na pahina ay ______


Ang mga susing sagot ay nasa comment box :)
                

Mga Komento

  1. Mga Susing Sagot

    Easy
    1. D
    2. C
    3. D
    4. A
    5. A

    Average
    1.Emilio Jacinto
    2.Severino Reyes
    3. Aurelio Tolentino
    4. Padre Modesto de Castro
    5. Andres Bonifacio

    Difficult
    1.Padre Pedro Buenevantura
    2.Nuestra Senora del Rosario
    3. Jose Palma
    4. Dalagang Bukid
    5. Del Superior Goviern
    6. Urbana at Feliza
    7. Sucessos Felices (Fortunate Events

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)