Si Marcelo (Ikalawang Kabanata ng Nobelang Ang Anak ng Kardenal mula sa Italya) ni Felix Guzzoni Halaw at Salin ni Gerardo R. Chanco




    "Pakinggan mo," ang magiliw na sambot ng binata, at hinawakan sa dalawang kamay ang kaniyang kasi, saka nagpahayag ng ganito: "Ako'y malaon nang naanib sa Katipunan ng mga Makabayang Romano, isang lihim na samahang ang layon, ang pinakaunang dakilang layon, at iguhit ang walang kasinsamang pamahalaan ng Papa rito sa Roma. Sa huling pulong na idinaos namin ay napagkaisahang kami'y gagawa sa loob ng labinlimang araw ng isang pamahayag laban sa ating gobyerno, at napagkayarian pang ang malawak na Liwasang Kolonna ang siyang pook na unang pagtitipunan. Kaninang umaga isinagawa ang pamahayag. Libo-libong tao ang nagsisama at nagsisigawan kami ng "Mabuhay ang Italya! Maguho ang pamahalaan ng Papa! Mamatay si Pio Nonol" Ako'y Isa sa mga nagtataguyod ng kilusang iyon, at kabilang din sa mga sumisigan Ngunit walang ano-ano'y isang lalaking di ko kilala ang biglang dumalubo sa akin at ako'y binuntal nang ubos lakas sa mukha. Ilang sandali ring nawa ang aking diwa. Subalit nang ako'y pagsaulian, sa laki ng galit na nagpadilim sa mga paningin ko, ay nagbunot ako ng rebolber at a! ... Sa isang putok av natapos ang buhay ng sawimpalad na iyong tumatalampas sa akin. Saka ko pa Tamang natatanto na ang napatay ko'y isang pulis ng pamahalaan, na nakadamit paisano. At sabihin pa, nangyari ang dapat mangyari: Nagkagulo, gulong katakot takot, at sunggab dito't sunggab doon ang ginawa ng mga kawal ng gobyerno. Sa kabutihang-palad at sa tulong ng aking mga kasamahan ay nakatakbo ako Subalit nalalaman na ng aking kaaway kung sino ang nagpaputok. Hanggang ngayo'y parang naririnig ko pa ang malakas na sigaw ng isang lalaki na: "Si Marcelo, si Marcelo ang nakapatay!"

****

Sino ang binatang ito?

Sampung buwan nang si Marcelo Ay nakatira sa labas ng Roma. Magbuhat nang siya'y napilitang umalis sa siyudad, hindi na siya nakatanggap ng anumang balita tungkol sa kaniyang ina.

Kung makailan nang pinadalhan niya ng sulat. Ngunit minsan man ay hindi siya nakatanggap ng sagot.

    Saan naroroon ang kaniyang giliw na ina? Hinuli kaya siya ng mga kawal ng pamahalaan? Di malayong nagkagayon sapagkat siyang gawi ng gobyerno na ipahuli't piitin ang mga magulang o ang mga kapatid, o ang mga kamag-anak ng taong kanilang pinag-uusig kailanma't ito'y hindi nila mahuli... Baka naman namatay na siya sa matinding sakit ng loob... Kung sa bagay ay hindi pa naman katandaan si Aling Genoria para mamatay sa panahong iyon, datapwat totoong marami na ang hirap na kaniyang tiniis sa buhay, kung kaya't di naman kataka-takang dahil sa pagkawalay ni Marcelo ay nagkasakit na nga, at ang sakit na iyon marahil ang naghatid sa kanya sa libingan..

    Mga ganitong alinlangan, malulupit, at malulungkot na pagninilay-nilay, ang di miminsang nagtulak kay Marcelo na siya'y masok sa siyudad at alamin ang kalagayan ng kaniyang inang hindi kinatatanggapan ng anumang balita.

    Isang araw, isang malamlam na umaga ng Enero, nangahas ang binatang tumungo sa Roma.
Gayon na lamang ang kaba sa dibdib ni Marcelo nang siya'y nalalapit na sa bukal ng Trevi, pook na di gaanong malayo sa kinatitirikan ng kaniyang bahay. Nang dumating si Marcelo sa tapat ng bukal, huminto siya rito nang ilang sandali.

    Ang pananabik na makita ang ina at ang pangambang siya'y madakip ng kaniyang mga kaaway ay dalawang makapangyarihang damdamin, na sa mga sandaling iyon ay halinhinang nag-uutos sa puso niyang aliping mistulang kasawiang-palad ...

    Nagunita niya tuloy, sa gayong pagkapatigagal, ang mahahalagang pangyayaring dinaanan na ng kaniyang ligalig na buhay. Ilang masasakit na biro ang nagawa na sa kaniya ng kalikasan sapul nang siya'y magkaisip!

Anupa't sa loob ng ilang sandaling si Marcelo'y napatigil nang di naman kinukusa sa tapat ng Trevi ay naalala niya ang ganitong ulat na malimit isaysay sa kaniya ni Aling Genoria noong kapanahunang siya'y bagong nagkakaisip:

    Siya, si Marcelino-ayon sa tuwinana' y sinasabi ng kaniyang ina- ay ipinanganak sa Roma nangbtaong 1842. Eduardo ang pangalan ng kaniyang ama, at Albaneli ang apelyido ng kaniyang ina. Si Marcelo'y pangalawang anak ng mag-asawang Eduardo at Genoria. Babae ang nakatatandang kapatid ni Marcelo, na nagngangalang Ernesta. Si Ernesta ay maganda, mabait, at mahinhin; walong taong tumira at nag-aral sa isang kumbento ng mga madre, at nang maging dalawampu ay kusang-loob na nagpakulong sa beateryo ng Santa Catalina de Sena ... Bagama't naulila si Marcelo sa kaniyang mutyang kapatid na nagmamahal sa kanyang, sinikap ng kanyang mga magulang na siya'y mapasok sa isang paaralang bayan sa Roma. At siya'y payapa't masayang nabubuhay sa piling ng kaniyang ama't inang mabuting mag-aruga, hanggang sa gulang na pitong taon. Lumalakad sa walong taon si Marcelo nang maulila sa ama. Si Eduardo Santucci, ang ama niyang pinakaiibig, ay isa sa mga unang bayani ng kaniyang lahi na namuhunan ng dugo't buhay upang mahango ang bayang sarili sa kapangyarihan ng Papa, upang matubos ang Italya sa kaniyang pagkaalipin sa mga pinuno at alagad ng Simbahan ni San Pedro...

    At siya, si Marcelo, ay may isipan na't natatandaan pa niya hanggang sa mga sandaling iyon, ang kalunos-lunos na pagkasawi sa isang labanan, ng ama niyang natutong tumupad sa dakilang tungkulin ng isang tao sa kaniyang bayan…
Saan siya naroroon?

At pagkaraan ng ganitong pagbubulay-bulay, si Marcelo

nagpatuloy sa

Ay

paglakad.

Lakad... Lakad...

At pagdating sa harap ng pinto ng kaniyang bahay ay tumigil na animo'y inutusan; at nagpalingap-lingap na anyong naghihintay ng isang kasamang nahuhuli.. Kumatok. Dalawang katok na malakas at magkasunod. Saka tumawag:

"Inang!"

Muling kumatok nang lalong malakas. At sinundan ng tawag na tila hinahabol:

"Inang! Inang"

At ilang sandaling nakimatyag sa loob.

Maya-maya y may naulinigan si Marcelong mga yabag ng paang palapit sa

pintong tinatawagan niya. Ang ina ba niya ang parating?

Ang binata'y buong pananabik na naghintay sa pagkabukas ng pinto.

Pinagbuti ang tayo at pinasayang pilit ang mukha.

O!

Ang buong katawan niya, aywan kung bakit, ay tila nadadarang sa isang sigang naglalagablab. balahibo, at nagngangalit ang buhok niya

Naninindig ang kaniyang mga mandi'y nanlalaki ang kaniyang ulo... Pananabik o pangamba?

Di kalaunan, narinig na ni Marcelo ang dahan-dahang pagkabukas ng pinto... At isang babaeng di niya nakikilala ang sa kaniyay sumalubong.

Hanggang sa tuluyang nabuksan.

Ang maramdaming puso ng binata ay waring tumanggap ng isang mariing dagok. Kinabahan na noon pa si Marcelo. 

Magsasalita sana siya ngunit parang naipit ang kaniyang dila at waring umurong ang mga labi't nguso...

"Ano po ang atin, ginoo?" ang magalang na bati ng babae. Tinitigan muna ni Marcelo ang kaniyang kaharap, bago sumagot: "Di po ba ito ang bahay ni Aling Genoria Santucci?" "Ito nga po ... ang tila alanganing sagot ng babae. "Ito nga po noong araw; ngunit ngayo'y hindi na." "Hindi na!"
"Opo, hindi na, sapagkat iba na po ang may-ari."

At sino po ba ang nagmamay-ari ngayon ng bahay na ito?" ang parang hinahabol na

usisa ni Marcelo.

"Ang akin pong asawa," ang malumanay na tugon ng kausap.

Si Marcelo'y napakagat-labi. Umiling -iling. Pinapagdaop ang dalawang palad.

Ibinaba ang tingin sa lupa, at nagbuntong hininga nang malalim. Ang babae'y napamaang at pinagpakuan ng tingin ang lalaking nag-uusisa.

"Hindi na nga po ba nagtitira dito si Aling Genoria Santucci? Wala na nga po ba rito...?" "Opo, mula pa noong nakaraang taon." "Ngunit nakikilala ba ninyo siya? Huwag po kayong magagalit ... Kailangan ko po lamang na malaman kung..."

"Hindi po," ang hadlang ng babae. "Hindi ko po kilala, at di ko rin nakita ang kaniyang mukha minsan man." "Inuupahan po yata ninyo ang bahay na ito."

"Hindi po; nabili na po ng aking asawa." "Diyos ko! Namatay na kaya ang aking ina?"

"lyan ang di ko masasagot sa inyo."

"Ngunit kanino po binili ng inyong asawa ang bahay na ito?" ang mapiling usisa ng binata.

"Sa gobyerno."

At si Marcelo Ay hindi na nakapangusap. Hindi na rin nakakibo. Kung gayo'y ang pamahalaan pala ang nagbili ng kanilang bahay: samakatwid, ang kanilang mga kasangkapan at kaunting pag-aari ay sinamsam na rin ng pamahalaang iyan. . . At ang kaniyang ina? Saan kaya naroroon? Namatay na baga kaya sa gitna ng pagkaulila sa mga anak niya at sa laot ng walang kasing pait na paghihinagpis? Kulang-palad na ina!

Isang tinging punong-puno ng pighati ang inihagis ni Marcelo sa babae, at saka umalis nang walang paalam.

At mistulang ulol na lumakad.

Lakad na naman, lakad... Upang hanapin ang pinakamumutyang ina na namatay na nga yata.

Tapat na pagdamay. Naisip ni Marcelo na siyay magsadya sa bahay ng isang kaibigan. At ang naisip ay isinagawa noon din. "Si Julio ang dapat makaalam ng lahat," ang inaakala niya habang lumalakad,

"sapagkat inaasahan kong hindi niya pababayaang masawi ang aking ina, at marahil ay natulungan pa niyang makapagtago upang maligtas sa malupit na pag-uusig ng pamahalaan." Si Julio Sarnelli ay isang binatang may marangal na puso at kaibigang matalik ni Marcelo. Sila'y magkababata. Sa isang paaralan ay sabay silang pumasok at magkasamang tumuklas ng dunong. Habang nag-aaral si Marcelo ng kasaysayan, si Julio nama'y nagsasanay sa dakilang sining ni Michelangelo, at naging isang magaling at tanyag na pintor sa loob lamang ng ilang taon. Ang masamang pamamalakad ng pamahalaan ay hindi inaalumana ni Julio, ngunit si Marcelo ang nagpaliwanag sa kaniya ng angking karapatan at tungkulin sa bayan ng isang mamamayan, at si Marcelo rin ang naghatid sa kaniya ng mga bagong kaisipan ukol sa pag-ibig sa tinubuang lupa at sa pagsasanggalang sa kalayaan nito, gayon din ang hinggil sa pagsasarili na dapat matamasa ng kanilang bayan: Ang Italyang kapintu-pintuho...

Si Julio ay inaari ni Marcelong higit pa sa kapatid. Yaoy gayon din naman dito; kayat dalisay ang kanilang pagkakaibigan.

Humihingal si Marcelo nang dumating sa bahay ng kaniyang kaibigan Si Julio'y sumalubong na takang-taka at walang malamang gawin. Niyakap ne mahigpit ang kaibigan, at nangangambang nahahabag na pinapasok si Marceo tahanan niya.

Nangangamba, dahil sa pag-aalalang baka madakip si Marcelo ng mga kawal ng Papa. Nahahabag, dahil sa kaawa-awang anyo at kabuhayang napagsasapit na giliw.

"Marcelo, bakit? Bakit ka naparito, Marcelo?" ang unang bati ng maybahay sa nanginginig ni Marcelo na bagong dating

"Ang aking ina! Hinahanap ko ang aking inal ang sagot

ang boses. "Julio... Nasaan ang ina ko? Ipagtapat mo sa

Julio, sabihin mo kung saan naroon ang aking ina.. Ang aming bahay ay sinamsam ng gobyerno...

"Pumayapa ka, Marcelo," ang mairog na payo ng kaibigan. "Pumayapa ka! isasaysay ko sa iyo ang buong nangyari, sasabihin ko kung saan mo makikita ang iyong ina..."

"Saan?... Saan?" ang agaw ni Marcelo.

"Huwag ka sanang maingay."

"Ngunit ... Makikita ko nga ba? ani Marcelong walang pagkasiyahan sa tuwa.

"Oo, inaasahan ko, ngunit... Huwag ka sanang maingay." "AI Ibig kong makita ngayon din ang aking ina."

"Makikita mo, marahil..." "Ay, kulang-palad kong ina!

    "Ganito ang nangyari," sinimulan ni Julio ang pag-uulat sa kaniyang kaibigan "Nang mabatid ng pamahalaan na may kahirapan nang ika'y mahuli, sapagkat nakapagtanan sa siyudad, ay minarapat na pananagutin ng iyong kasalanan ang mga walang malay na kamag-anak mo. Kung sino-sino ang dapat na usigin at parusahan? Hanggang sa mga araw na ito'y iisa pa lamang ang nasasawi: Ang ina mo... Na ang anak na nagkasala ay hindi mahuli? Ang ina ang kailangang dakpin ar parusahan sa lugar ng anak...Hinuli nga siya; piniit at pinagdusa sa bilangguan. Ang ina mo… Na ang anak na nagkasala ay hindi mahuli? Ang ina ang kailangang dakpin at parusahan sa lugar ng anak...Hinuli nga siya; pinit at pinagdusa sa bilangguan. Ang inyong bahay, mga kasangkapan, at madlang pag-aari ay sinamsam ngang lahat ng gobyerno at ipinagbili sa kapakinabangan nito ... Nagtataka ka ba? Ayaw mong maniwala? A! Labis mo namang natatanto ang kabangisang walang katulad ng mga taong iyan  kabangisang walang Araw-araw halos avancuanto ang katulad ng mga

    Lagi na lamang umiiyak kapag ako'y nakikita. Kaawa-awang matanda!... Ikaw ang tuwina y naitatanong sa akin; at napapahagulgol ng panangis kung naiisip yata baka hindi na kayo magkita hanggang siya'y mamatay." "Ay, Inang kol ang pasigaw na himutok ni Marcelo. "At minsa'y lumuluha kasabay ang mga buntonghiningang sinabi ng giliw mong ina, ang ganito: 'Roma, anong hirap ng umibig sa iyo at maghangad ng iyong ikalalayal Dahil sa iyo-o, Romal-ay nawalan ako ng kaisang-dibdib, at dahil din sa iyo'y nawalay sa akin ang bunso kong anak! At sino ang nakaaalam kung dahil din sa iyo-o, kapos-palad na Romal-ay mawawalan ako ng isang Marcelo?' Ay! ... Sumpain nawa ng Langit ang sinumang pumipigil sa mga banal na mithiin ng isang bayan!" "Ilang! ang lumuluhang naihimutok uli ni Marcelo. "Datapwat, isang araw," ang patuloy ni Julio. "Pagkaraan ng may dalawang linggo ng iyong pagtatago ay hindi ko dinatnan sa bilangguan ang matanda; nagbalik ako kinabukasan, ngunit wala rin. Maging ang mga kaibigan natin, maging ang ilang kakilalang napagtanungan ko ay para-parang hindi makapagsabi ng malinaw na kinapatunguhan ng ina mo. Kaya't inakala kong siya'y inilipat sa ibang piitan. Hindi naman ako makapangahas na magtanong sa kanino mang tao ng pamahalaan sapagkat alam ko't alam mo rin namang walang mangyayari, at malapit-lapit pang ako'y mapaghinalaang may kinalaman sa pagtakas mo…"
    "A, mga walang pusol" ang marahang binigkas at halos bumubulong at kasabay ang ilang patak na luha. "Inang, ikaw ay ililigtas ko! Mangyari na ang mangyayari ay hahanapin kita! Hindi kita pababayaang mamatay sa kamay ng mga ganid na kampon ng Papa!" "Marcelo, dahan-dahan, huwag ka sanang mabibigla, ang malumanay na payo ng tapat na kaibigan. "Inaakala kong ang mabuti'y lisanin mo uli itong Roma at bayaan mong ako na lamang mag-isa ang humanap sa ina mo. Kung ikaw ay magpaparaan dito nang ilan
pang araw ay malamang na matiktikan ka ng mga kaaway mo; nanganganib kang mahulog sa kamay ng mga nag-uusig sa iyo." "Hindi maaari, Julio. Hindi ako aalis dito sa siyudad hanggang di ko natatagpuan ang aking ina. At kinakailangang ako'y mamalagi na rito, sapagkat ilang araw na lamang at ang paghihimagsik ay mananambulat...
"Alam ko, ngunit samantala'y nararapat ang ikaw ay magtago muna. Ipalagay mo ang iyong loob sa akin. Nawawalan ka na ba ng tiwala sa aking tapat na pakikisama sa iyo?" "Juliol ang hadlang ni Marcelo at niyakap ng buong higpit ang kaibigan. ng ganiyan. Lubos na pinahahalagahan ko ang iyong

"Huwag ka sanang magsaloob mga inihahatol."

"Gayon pala'y bakit?"

"AI... Ngayo'y sunod-sunuran na ako sa iyo," ang sabi ni Marcelo, at idinugtong: "Utang na loob ay ikaw na nga ang magsakit ng paghanap sa aking ina. Sukat ang malaman natin kung saan siya naroroon, kung saan siya tinangay ng mga ganid.. "Umasa ka, Marcelo, sa pagkatupad ng iyong habilin Sa loob ng ilang araw malalaman mo; ngunit, saan tayo muling magkikita?

Si Marcelo ilang sandaling nag-isip. At sabay nilang sinabi: "Sa likod ng buwan na Simbahan ng Kapayapaan, sa gabi-gabi mula bukas "Oo, at hanggang bukas ng gabi." 

***

    Ang mga bibitayin ay inihinto sa paa ng bibitayan. Nang mapagmalas na maio ni Marcelo ang kakila-kilabot na kasangkapang tatapos sa kaniyang buhay ay nangit pa nang bahagya at mandi'y dumamdam ng kasiyahang loob. nang sandaling pinagpakuan ng tingin ang berdugong may palalong tindig. Naisaloob niyang nararapat na nga siyang mamatay, sa likod ng di-kakaunting kahirapang kaniyang tiniis, upang siya namay makalasap na ng isang ganap na pananahimik. Ang giliw niyang si Velia'y inaasahan niyang makikita sa kabilang buhay. Nakitlan ng hininga si Marcelo dahil sa pag-ibig sa kaniyang bayan, sa Romang pinakamimithi niyang makitang malaya at ligtas sa kamay ng malulupit. Ang bangkay ni Marcelo ay ibinaon sa tabi ng libingan ni Velia.
---wakas----


Sangunian:
Bulwagan: Kamalayan sa Gramatika at Panitikan
Marina Gonzaga-Merida, Cristina dimaguila-Macascas, Elynita S. Dela Cruz
Abiva Publishing House, Inc.

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)