Mga Post

Ipinapakita ang mga post na may label na Filipino 10

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Imahe
Si Haring Midas, na ang pangalan ay naging kasingkahulugan ng "mayamang tao," ay hindi gaanong nakinabang sa kaniyang kayamanan. Ang pagpapakasasa sa yaman ay tumagal lamang ng isang araw at ito ay naging banta sa kaniyang mabilis na kamatayan. Siya ay halimbawa ng kahangalan na tulad ng nakamamatay na kasalanan. Siya ay hindi naman mapanganib, bagkus hindi lamang ginamit ang kaniyang talino. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita na wala siyang talinong magagamit Si Haring Midas ay hari ng Phrygia, ang lupain ng mga rosas. Mayroon siyang napakalaking hardin ng mga rosas sa bakuran sa kaniyang palasyo. Minsan, naligaw sa hardin ang matandang si Silenus na lasing. Siya ay nagpagala-gala sakay ng tren ng kaniyang panginoong si Dionysus (diyos ng alak) kung saan siya nabibilang at siya ay naligaw. Ang matabang matandang lasing ay natagpuan ng lang tagapaglingkod ng palasyo na natutulog sa taniman ng mga rosas. Napagkatuwaan nila na igapos si Silenus ng malarosas na panali at sinuot

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)

Imahe
     Dahil sa kagandahang-loob at halaga ng paglulunsad ng digmaan, naubos ang pera ni Saladin, isang sultan. Naisip ni Saladin na hiraman si Melchizedek, isang mayamang Hudyo na naninirahan sa Alexandria. Subalit si Melchizedek ay kilala sa pagiging kuripot at hindi siya kailanman magkukusa na ibigay kay Saladin ang malaking halagang kailangan nito. Hindi rin naman handa ang sultan na kunin nang sapilitan ang pera. Sa huli, nakaisip siya ng plano upang ipahiya ang mayamang Hudyo nang sa gayon ay iaadya nito ang sarili ng pera.      Alinsunod sa kaniyang plano, humarap si Saladin kay Melchizedek sa palasyo nito. Sinabi niya, "Pinag-uusapan ng mga tao ang iyong karunungan. Anong palagay ang iyong nabuo tungkol sa mga pamamaraan ng Diyos? Alin sa tatlong dakilang relihiyon ang tunay-Hudaismo, Kristiyanismo, o Islam? Naramdaman ni Melchizedek na ang tanong ni Saladin ay naghahangad na dalhin siya sa isang hindi niya mapapanalunang debate at magtatamo ang kausap ng kalamangan kaya sin

Araw na May Rebolusyon (Sanaysay mula sa Ehipto)

Imahe
     Noong Biyernes, ang "araw ng poot," nasa kalye ako kasama ng mga nagpoprotesta. Ako at ang aking mga kaibigan ay nakiisa sa mapayapang protesta na nagsimula sa mosque ng Amr ibn al-As sa Old Cairo malapit sa Church of St. George. Nagsimula kaming kumanta, "Nais ng taong bumagsak ang pamahalaan!" at sinalubong kami ng malakas na pagsabog ng mga lear gas na pinakawalan ng mga pulis. Nagsimula kaming sumigaw, "Kapayapaan, kapayapaan." sinusubukan naming ipakita sa mga pulis na hindi kami kalaban. wala kaming hinihingi kundi ang aming kalayaan. Lalo lamang itong nagpalala ng kanilang kalupitan. Ang pakikipaglaban ay nagsimulang kumalat sa mga kalye ng sinauna at malawak na distrito ng Coptic. Ako at ang aking kaibigan ay nagkanlong sa maliit na eskinita kung saan mainit kaming tinanggap. Binalaan kami ng mga tao na huwag subukang dumaan sa Metro station, at itinuro sa amin ang ibang ruta upang makatakas. Marami sa kanila ang sumali sa protesta. Sa huli, p