Haring Midas (Mito mula sa Gresya)
Si Haring Midas, na ang pangalan ay naging kasingkahulugan ng "mayamang tao," ay hindi gaanong nakinabang sa kaniyang kayamanan. Ang pagpapakasasa sa yaman ay tumagal lamang ng isang araw at ito ay naging banta sa kaniyang mabilis na kamatayan. Siya ay halimbawa ng kahangalan na tulad ng nakamamatay na kasalanan. Siya ay hindi naman mapanganib, bagkus hindi lamang ginamit ang kaniyang talino. Ang kaniyang kuwento ay nagpapakita na wala siyang talinong magagamit Si Haring Midas ay hari ng Phrygia, ang lupain ng mga rosas. Mayroon siyang napakalaking hardin ng mga rosas sa bakuran sa kaniyang palasyo.
Minsan, naligaw sa hardin ang matandang si Silenus na lasing. Siya ay nagpagala-gala sakay ng tren ng kaniyang panginoong si Dionysus (diyos ng alak) kung saan siya nabibilang at siya ay naligaw. Ang matabang matandang lasing ay natagpuan ng lang tagapaglingkod ng palasyo na natutulog sa taniman ng mga rosas. Napagkatuwaan nila na igapos si Silenus ng malarosas na panali at sinuotan ng koronang bulaklak sa ulo. Ginising nila ito at dinala sa harap ni Haring Midas sa katawa-tawang hitsura. Mainit ang pagtanggap sa kaniya ng hari at inasikaso siya ng sampung araw. Pagkatapos ay hinatid siya ni Haring Midas pabalik kay Dionysus. Dahil sa malaking tuwa sa pagbabalik ni Silenus, sinabi ni Dionysus kay Midas na anuman ang kaniyang hilingin ay ibibigay sa kaniya. Dahil nais niya ang labis na karangyaan para sa kaniyang kaharian, hiniling niyang anuman ang kaniyang hawakan ay magiging ginto. Tinanong ni Dionysus si Haring Midas kung nakatitiyak na siya sa kaniyang hiling. Tinugon ito ng hari. Iginawad sa kaniya ni Dionysus ang kaniyang hiling. Sa kaniyang pagkain, lahat ng kaniyang isinubo ay naging ginto. Sa takot at labis na gutom at uhaw lumapit si Haring Midas sa diyos at nagmakaawang ipawalang-bisa na ang kaniyang hiling. Sumang-ayon si Dionysus at iniutos sa kanya na pumunta sa llog Pactolus at dito ay hugasan ang kaniyang mga kamay upang mawala ang mahika. Kalaunan, nakilala sa kumikinang na deposito ng ginto ang Ilog Pactos. Hindi nagtagal, pinarusahan ni Apollo (diyos ng panlunas) si Haring Midas. Tulad ng dati, ang parusa ay hindi dahil sa kaniyang pagkakamali, bagkus sa kahangalan Ang kaniyang tainga ay ginawang tulad sa asno (donkey). Isang araw, napilino hurado si Haring Midas sa paligsahang pangmusika nina Apollo at Pan. Si Pan, an diyos ng kaparangan, ay nakatutugtog ng napakagandang himig gamit ang kaniyang tambo (pipes of reed). Ngunit sa pagtugtog ni Apollo ng kaniyang pilak na lira. walang anumang himig sa lupa o sa langit ang maaaring tumumbas, maliban lamang sa koro ng mga Musa. Si Tmolus, ang diyos ng bundok at isa ring hurado, ay pinili si Apollo. Samantala, si Haring Midas, bagaman walang kaalaman sa musika, ay buong katapatang pinili si Pan. Ang gayong pasya ay ikalawang kahangalan ni Haring Midas. Batid kahit ng isang pangkaraniwang hurado na mapanganib ang pagsalungat kay Apollo para kay Pan, na mahina lamang ang kapangyarihan. Nagalit si Apollo at sinabing hindi a1siya nakikinig dahil sa kaniyang mga taingang mapurol at mahina. Kaya, ginawa niyang wangis sa asno ang tainga ni Haring Midas. Ikinubli ni Haring Midas sa gora ang kaniyang mga tainga, ngunit nakita pa rin ito ng tagapaglingkod na gumupit ng kaniyang buhok. Nangako ang tagapaglingkod na hindi ito ipagsasabi. Siya ay humukay ng butas sa bukid at pabulong na sinabi rito, "Si Haring Midas ay may tainga ng asno upang guminhawa ang kaniyang pakiramdam. Tinabunan niya ang hukay ngunit nang sumibol at yumabong na ang tambo rito, ibinubulong nila ang mga ibinaong salita tuwing inuugoy sila ng hangin. Maliban sa pagkabunyag sa lihim ng kawawa at hangal na Hari, napatanyag sa madla na kapag ang mga diyos ay lalahok sa paligsahan, ang pagpanig sa pinakamalakas ay ligtas na paraan.
Sagutin ang mga tanong.
1. Sino ang pangunahing tauhan sa mito? Ilarawan siya.
2. Bakit binigyan ni Dionysus ng gantimpala ang hari? Bakit naman siya pinarusahan ni Apollo?
3. Naniniwala ka bang ang ginto sa Ilog Pactolus ay nagmula sa paghuhugas ng kamay ng hari? Bakit?
4. Ano-anong kaisipan ang nakapaloob sa mito? Iugnay ang mga ito sa nangyayari sa iyong sarili, pamilya, pamayanan, lipunan, at sa daigdig.
5. Kung ikaw ang hari, ano ang hihilingin mo kay Dionysus? Bakit?
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin1. Si Haring Midas siya ay hari ng Phyrigia
Burahin2. Binigyan ng gantimpla si Haring Midas ni Dionysus dahil tinulungan niya at kinupkop si Silenus ng 10 araw.
Pinarusahan siya ni Apollo dahil sa hindi inaasahan ay naging ginto ang ilog at dahil din sa kahangalan nito.
3.Oo, dahil nung hugas siya ay naging ginto saka para din mawala ung mahika
4. Tumanggap ng pagkakamali sa sarili at huwag maghanggad ng sobra huwag ding maghintay ng kapalit kung ikaw ay tutulong sa kapwa mo
5.hihilingin ko na mmaging maganda ang pamamahala ko bilang isang hari at matulungan ang aking mag mamamayan
Naalis ng may-ari ang komentong ito.
TumugonBurahin