Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)



    Dahil sa kagandahang-loob at halaga ng paglulunsad ng digmaan, naubos ang pera ni Saladin, isang sultan. Naisip ni Saladin na hiraman si Melchizedek, isang mayamang Hudyo na naninirahan sa Alexandria. Subalit si Melchizedek ay kilala sa pagiging kuripot at hindi siya kailanman magkukusa na ibigay kay Saladin ang malaking halagang kailangan nito. Hindi rin naman handa ang sultan na kunin nang sapilitan ang pera. Sa huli, nakaisip siya ng plano upang ipahiya ang mayamang Hudyo nang sa gayon ay iaadya nito ang sarili ng pera.


    Alinsunod sa kaniyang plano, humarap si Saladin kay Melchizedek sa palasyo nito. Sinabi niya, "Pinag-uusapan ng mga tao ang iyong karunungan. Anong palagay ang iyong nabuo tungkol sa mga pamamaraan ng Diyos? Alin sa tatlong dakilang relihiyon ang tunay-Hudaismo, Kristiyanismo, o Islam? Naramdaman ni Melchizedek na ang tanong ni Saladin ay naghahangad na dalhin siya sa isang hindi niya mapapanalunang debate at magtatamo ang kausap ng kalamangan kaya sinagot niya ng ganito: "Iyan ay mahusay na tanong panginoon Maipaliliwanag ko ang aking mga pananaw sa paksang iyan sa pamamagitan ng isang kwento.


    Minsan, may isang mayaman na itinuturing ang mamahaling singsing bilang kaniyang pinakamahalagang pag-aari. Ipinamana niya ang singsing sa isa sa kaniyang mga anak na lalaki at kinilala itong pinuno ng pamilya. Naging tradisyon ng sumunod na mga henerasyon na ang pangunahing tagapagmana ay laging natatamo ang natatanging singsing mula sa kaniyang ama. Upang paikliin ang kuwento, sa wakas ang singsing ay naging pag-aari ng mayamang may tatlong anak na lalaki na ang bawat isa ay pantay-pantay sa pagkamasunurin, birtud, at halaga. Mabigat sa kaniyang kalooban na kumiling sa isang anak lamang kaya naisipan niyang magpagawa ng dalawang kopya ng pinahahalagahang singsing sa kaniyang artisan. Nagpamana siya ng singsing sa bawat anak.

    Kasunod ng pagkamatay ng ama, kinukuha ng bawat anak ang titulo at pag-aari ng yumaong ama. Ipinapakita nila ang minanang singsing bilang patunay. Gayunman, ang masusing pagsusuri sa tatlong singsing ay hindi kayang isiwalat alin sa mga ito ang tunay. Kaya't ang pag aangkin ng tatlong anak ay nanatiling walang kalutasan. Katulad din ito ng tatlong dakilang relihiyon na Judaismo, Kristiyanismo, at Islam. Ang mga tagasunod ng bawat relihiyon ay itinuturing ang mga sarili na karapat dapat na mga tagapamana ng katotohanan ng Diyos. Ngunit tulad ng kalagayan ng tatlong anak, ang kanilang pag-aangkin ay nananatiling walang kalutasan."


    Napagtanto ni Aladin na nakatakas sa kaniyang bitag ang Hudyo kaya't nagpasiyang tuwirang manghiram ng pera kay Melchizedek. Malugod na ibinigay da Pu ni Melchizedek ang halagang kaniyang pa kinakailangan. Hindi naglaon ay nabayaran  ito nang buo ng sultan. Sina Saladin at  Melchizedek ay nanatiling magkaibigan hanggang sila ay nabubuhay.


    Sagutin ang mga tanong. 

    1. Sino ang mga tauhan sa parabula? Ilarawan ang bawat isa. 

    2. Saan naganap ang pag-uusap nina Saladin at Melchizedek? Ano ang sinisimbolo nito?

    3. Makatwiran bang ipakopya ng ama ang singsing at ibigay ang mga ito sa kaniyang mga anak?         Bakit? 

    4. Anong pangunahing aral ang nakapaloob sa parabula? Gaano ito kahalaga sa ating buhay? 

    5. Ano ang pinagkaiba ng parabula sa mga akdang nabasa mo na?


Mga Komento

  1. 1. Ang mga karakter, Melchizedek, Saladin, Aladin.
    2. Sa isang palasyo.
    3. Siguro po kasi po yung mga anak nya ay mabubuti at masunurin sila.
    4. Mahalaga ang parabula sapagkat marami tayong mapupulot na mga aral at mga kaalaman sa pagbabasa nito. Ang mga parabula ay maaari nating igunay sa sarili natin, sa buhay natin, o sa mga pangyayari sa ating paligid at ito ayu maaari makapagturo sa atin ng mga bagay na magagamit din natin sa ating mga sariling buhay.
    5. Ang parabula ang mga kwentong hango sa bibliya. Naiiba ito sa ibang panitikan sapagkat ang ibang panitikan ang nagmula sa sariling opinyon at mangilan-ngilan ay kathang isip lamang.

    TumugonBurahin
  2. 1.ang mga karakter ay sina Melchizedek,si Saladin,at Aladin.
    2.naganap ito sa Palasyo.
    3.Dahil mabuti at masunurin ang kaniyang mga anak.
    4.ang Parabula ay mahalaga dahil maraming mga magagandang aral at kaalaman na matututunan dito.Ito rin ay maiuugnay natin sa ating sarili dahil sa mga mapupulot na mga magandang aral dito.
    5.naiiba ang Prabula dahil itoy mga kwentong hango o galing sa bibliya.Hindi ito katulad ng iba na kathang isip o kuro-kuro lamang.

    TumugonBurahin

Mag-post ng isang Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario