Anyo ng pagsulat ayon sa layunin


1. Paglalahad.

Tinatawag din itong pagpapaliwanag na nakasentro sa pagbibigay-linaw sa mga pangyayari, sanhi at bunga, at magkakaugnay na mga ideya at pagbibigay ng mga halimbawa.


Halimbawa:


PAGLULUTO NG BOLA-BOLA


Mga Sangkap:

1 tasang tinadtad o dinurog na

1 itlog ng manok o pato anumang klase ng karne o mga

3 kutsarang mantika tirang ulam na manok o iba pang karne na maaaring paghaluin

4 na kamatis na tinadtad

2 butil na bawang lahatng klase ng mga isdang natira

1 sibuyas na tinadtad aymaaari ring gawing bola-bola

3 kutsarang harina albondigas. Kahit iba't iba ang pagkalutong mga ito, kailangan ding pagsama-samahin at duruginupang mabuo.


Paraan ng pagluluto


Batihing mabuti ang isang itlog at ihalo rito ang karneng dinurog. Timplahan ng asin, budburan ng kaunting paminta at ihalo ang harina.Gumawa ng katamtamang laki ng bola-bola at kapag nabilog na ay iprito sa mahina-hinang apoy hanggang sa pumula ito.llagay sa mantika ang pinitpit na bawang at kapag mamula-mula na ito ay igisa rin dito ang sibuyas at kamatis. Sabawan ng mga anim na kutsarang tubig ang kawali hanggang sa maging parang sarsa ang sabaw.Ihalo ang mga ginawang bola-bola at pabayaang kumulo. Pagkaraan ng limang minuto, hanguin ang nilutong bola-bola at ihain ito nang mainit.


-Mula sa Masarap na Luto Natin nina Maria Salud Paz at Martha E. Jacobo


2. Pagsasalaysay.

Nakapokus ito sa kronolohikal o pagkakasunud-sunod na daloy ng pangyayaring aktwal na            naganap. Isa pa ring pokus ang lohikal na pagsulat. Nakasalalay sa may-akda ng maikling            kwento o nobela ang mahahalaga at kapana-panabik na bahagi ng salaysay.Gumagamit ng iba't ibang istilo o istruktura ng pagbuo ng kwento ang mga manunulat ng panitikang nasa anyong tuluyan.


Halimbawa:


Sang-ayon kay Giovanni Careri, isang manlalakbay na Italyano na nakasapit sa ating bansa noong 1696, ang mga unang Tagalog na naninirahan sa baybayin ng dagat at mga ilog ay sumasamba sa mga puno ng Balite. Siya ay naglibot sa mga paligid sa Lawa ng Bai na ngayon ay tinatawag na Lawa ng Laguna at mataman niyang pinag-aralan ang mga naninirahan dito.


Nadama niya na lubha nilang pinag-iingatang huwag masugatan o maputol ang anumang bahagi ng panungkahoy na ito. Sila'y naniniwala na ang mga kaluluwa ng mga nagsipanaw ay naninirahan sa mga ito lalo na ang sa Nuno.


Halaw sa "Ang mga Alamat ng Bayan, Angono Rizal: Art Capital ng Pilipinas ni Ligaya G. Tiamson Rubin

3. Pangangatwiran.

Ipinapahayag dito ang katwiran, opinyon argumentong pumapanig o sumasalungat sa isang isyu na nakaha sa manunulat.


Halimbawa:


Masyadong maikli ang panahon para sa preparasyon ng mga guro. Kaya ba ng limang araw na pagsasanay na ibigay ang karampatang kaalaman sa pagtuturo sa mga klaseng remedial para sa buong taunang na karanasan ang mga gurong magtuturo ng tatlong nabanggit na asignatura, iba pa rin ang katangian at oryentasyon ng klaseng remedial. Ang mga estudyanteng nakapaloob dito ay malamang na mabagal umintindi kaya kailangang maging mapanlikha sa paraan ng pagtuturo at makgaroon ng maraming gawain. Hindi kasya ang limang araw para makapagtakda ng pamantayan sa pagtuturo ng tatlong asignatura.


Subalit ang kakulangan sa preparasyon ay isa lang sa maraming usapin. Dapat ding suriin ang esensya ng Bridge Program na ito. Paano maipapaliwanag ang sitwasyong nakapasa sa Grade VI ang isang estudyante pero hindi pa siya handa para maintindihan ang kurikulum sa haiskul? Hindi ba't ang pagtatapos sa elementarya ay sapat nang dahilan para dumeretso sa susunod na antas? Kung mayroon mang hindihanda sa haiskul, hindi ba't bumagsak na sila't nakatakdang umulit ng Grade VI sa susunod na taunang pampaaralan?


Malinaw na ang mga estudyanteng mapapaloob sa Bridge Program ay mapag-iiwanan ng mga dati nilang kaklase sa Grade VI na pinalad makapasok sa haiskul. May epekto ito sa personal na disposisyon ng mga estudyante, lalo na ang pagsusuri ng kanilang kakayahan.


Para sa mga magulang ng mga estudyanteng kukuha ng Bridge Program, ito ay dagdag bayarin dahil sa halip na apat na taon lang nilang pag-aaralin ang kanilang anak, magkakaroon ng dagdag na isa pang taon. Sa hirap ng buhay ngayon, mahirap para sa mga magulang na magpaaral kahit sa pampublikong paaralan dahil hindi naman sagot ng estado ang baon ng mga estudyante at ang iba pang pangangailangan sa eskwelahan.


Sa huling pagsusuri, hindi maiiwasang isiping ito ay paraan ng DepEd para bawasan ang pumapasok sa mga pampublikong haiskul. Sa papaliit na badyet sa edukasyon, nasa interes ng pamahalaang bawasan ang enrolment sa mga pampublikong eskwelahan para mas makatipid.


 - Halaw mula sa "High School Readiness Test: Dagdag pasanin ng mga Estudyante, Guro at Magulang."Konteksto ni Danilo Arana Arao.

4. Paglalarawan.

Isinasaad sa panulat na ito ang obserbasyon, uri, kondisyon, palagay, damdamin ng isang manunulat hinggil sa isang bagay, tao, lugar at kapaligiran.


Halimbawa:

"Dumating ang may-ari ng litsunan, sa ayos niya'y mukhang siya pa ang dapat tuhugin ng kawayan at ihawin sa nagbabagang uling. Bilog na bilog ang kanyang katawan. Wala na siyang leeg. Nakasaklay na ang kanyang balikat sa magkabilang tainga. Makipot ang nagma-mantika niyang labi na ibinaon naman ng pumuputok niyang pisngi. Biik lamang ang kanyang tangkad.Kung maglakad siya's parang nakawalang bulog. Sumenyas siya. Pinapunta kami sa loob ng kanyang kural, este opisina.


-Halaw sa "May Baboy na Di-Matuhod sa Litsunan," Barriotic Punk, mga kwento sa                         Baryo at Kanto ni Mes De Guzman

Mga Komento

Mga sikat na post sa blog na ito

Haring Midas (Mito mula sa Gresya)

Bakit Kailangan Ng Filipino Ang Filipino ni Virgilio Almario

Nakaiwas si Melchizedek sa Bitag (Parabula mula sa Italya)