Mga Post

Villanelle, Shakesperean at Petrarchan

(Shakesperean) Sisilong  Sa Bagwis Mo Pag Nanduro Ang Ulan Sisilong  sa bagwis mo pag nanduro ang ulan (a) Oh mangingibig sa duklay ng aking pangarap (b) Kahit na umagos ang bahang pantay-kawayan (a) Laging apoy ng iyong puso ang nasa palad (b) Kung isilang ng muli ang bituing hilaga (c) Liparin ang bahaghari sa dulo ng malay (d) Walang pagod na pagaspas ko’y asahang sumpa (c) Laon nang alay sa iyo ang singsing ng buhay (d) Sa buhangin ng ginhawa’y sandaling humimpil (e) Halika’t ikaw naman ang sa bagwis sumilong (f) Ipikit ang mata sa unos na umaangil (e) Matulog, sinta, sap ag-ibig kong bumubulong (f) Ang paglalakbay ko’y sa iyo lang humangga (g) Bahagharing minimithi’y ikaw pala, sinta. (g) (Petrarchan) ANG TAO'Y UMIBIG SA AURA NG ALAK Ang tao'y umibig sa aura ng alak. (a) Sa bawat paglagok, nadagdag ang lakas, (b) Para turuan s'ya na maging marahas. (b) Espiritu nito'y dadaan sa utak, (a) Hanggang kaluluwa na siyang wawasak, (a) Sa ta

Kasaysayan ng El Filibusterismo

KALIGIRANG PANGKASAYSAYAN NG EL FILIBUSTERISMO • Ang ikalawang nobela ni Dr. Jose Rizal na El Filibusterismo, ang sikwel o karugtong ng Noli Me Tangere, ay sinimulan niyang isulat sa kanyang tinubuang Calamba noong Oktubre, 1887, sa kaparehong taon kung kailan natapos ang manuskripto at maipalimbag ang kanyang unang nobela. Makalipas ang halos isang taon, 1888, nirebisa ni Dr. Rizal sa London ang halos lahat ng naisulat na niya sa ikalawang nobela. Gayunman, may mangilan-ilang sanggunian ang nagsasabing nasimulan niyang isulat ito sa London habang tinatapos pa niya ang pagsusulat ng Noli Me Tangere. Kung pagbabatayan naman ang talambuhay ni Dr. Rizal, tumataliwas ang pahayag na ito dahil hindi man lamang nabanggit ang London sa mga bayan na pinuntahan ni Dr. Rizal habang sinusulat pa niya ang kanyang unang nobela. Ayon sa aklat na “Rizal’s Life, Works, and Writings” ni G. Gregorio F. Zaide, sinimulang isulat ni Dr. Rizal ang unang mga kabanata ng Noli Me Tangere sa Madrid, Espanya

CUPID AT PSYCHE (Mitolohiya) Panitikang Miditerranean Cupid at Psyche Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Amba

CUPID AT PSYCHE (Mitolohiya) Panitikang Miditerranean Cupid at Psyche Isinalin sa Ingles ni Edith Hamilton Isinalin sa Filipino ni Vilma C. Amba   Noong unang panahon, may hari na may tatlong magagandang anak na babae. Ang pinakamaganda sa tatlo   ang bunsong si Psyche. Labis siyang hinahangaan at sinasamba ng kalalakihan. Sinasabi nilang kahit si Venus, ang diyosa ng kagandahan, ay hindi makapapantay sa ganda nito. Nalimot na rin ng kalalakihan na magbigay ng   alay at magpuri sa diyosa. Gayundin, ang kaniyang templo ay wala nang mga alay, naging marumi, at unti-unti nang nasisira. Lahat ng papuri’t karangalang dapat sa   kaniya ay napunta na lahat sa isang mortal. Nagalit si Venus at inutusan niya si Cupid, ang kaniyang anak upang paibigin si Psyche sa isang nakatatakot na nilalang. Hindi na niya naisip ang maaaring maidulot ng kagandahan ng dalaga sa kaniyang anak. Agad tumalima si Cupid at hinanap ang nasabing babae. Umibig siya kay Psyche nang nasilayan niya ang kagandahan

Panukalang Papel Pananaliksik - Mabisang Estratehiya sa Pagtuturo ng Akdang Pampanitikan sa antas Sekundarya

Imahe
Bulacan State University City of Malolos       Mabisang Estratehiya sa Patuturo ng Akdang Pampanitikan sa antas Sekundarya           Isang Panukalang Pananaliksik na Iniharap sa Dalubguro At sa Graduwadong Paaralan ng Bulacan State Unibersity         Ni: Arleen R. Carmona   June 2016 KABANATA I ANG SULIRANIN AT ANG SANDIGAN NITO   Panimula Batay sa pangkalahatang layunin ng Kurikulum ng K to 12 ang makalinang ng isang buo at ganap na Filipinong may kapakipakinabang na literasi. Layunin ng pagtuturo ng Filipino na malinang ang (1) kakayahang komunikatibo (2) replektibo/mapanuring pag-iisip at (3) pagpapahalagang pampanitikan ng mga mag-aaral sa pamamagitan ng mga babasahin at teknolohiya tungo sa pagkakaroon ng pambansang pagkakakilanlan, kultural at literasi, at patuloy na pagkatuto upang makaagapay sa mabilis na nagbabagong nagaganap sa daigdig. Nagiging epektio ang pagtuturo ng Filipino sa Sekundarya kung naipamamalas ng mag-aaral ang k

ANG WIKA NG ATING IMAHINASYON (Panayam para sa KASUGUFIL, 23 Agosto 2014) ni Virgilio S. Almario

ANG WIKA NG ATING IMAHINASYON (Panayam para sa KASUGUFIL, 23 Agosto 2014) ni Virgilio S. Almario   MAY KAESKUWELA AKO na nananaginip daw sa Ingles. Naku, sabi ko, sana hindi ako lumilitaw sa panaginip mo. Kasi baluktot ang Ingles ko. Tumawa lámang siya at hanggang ngayon ay hindi ko alam kung ano ang ibig sabihin ng tawa niya. Palagay ko, lumilitaw nga ako sa panaginip niya at eksampol ako ng baluktot na Ingles sa kaniyang mundo.   Ilan kayâ sa inyo ang tulad ng kaeskuwela kong nananaginip sa Ingles?   May mga sikolohista na nagsasabing imahen ang panaginip ng ating tákot at balísa. May nagsasabing larawan ito ng ating malalim na lunggati. Alinman ang tama, masisira ang sikolohiya kung guro ka sa wikang Filipino pero nananaginip sa wikang Ingles. Ang natitiyak ko, kung guro ka sa Filipino pero nananaginip sa Ingles, hindi ka makatutulong sa ating paksa—ang intelektuwalisasyon/ modernisasyon/elaborasyon ng ating Wikang Pambansa.   Bago ako magpatuloy, dapat linawin na maliban kay Charle

Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya

  Wikang Filipino sa Negosyo at Industriya ni Arleen Carmona Bulacan State University Fil102: Wikang Filipino Bilang Wikang Global “Hindi magiging wika ng lahat sa bayang ito ang Kastila, hindi ito masasalita ng bayan kailanman sapagkat wala sa wikang ito ang pariralang katumbas ng mga dalumat sa isip ng bayan at ng mga damdamin sa puso nito… habang napag-iingatan ng isang bayan ang kaniyang wika, napag-iingatan din nito ang katibayan ng kanyang paglaya, katulad ng pagpapanatili ng isang tao sa kanyang kasarinlan, upang mapanatili niya ang kanyang sariling paraan ng pag-iisip.” – Simoun, mula sa El Filibusterismo, salin ni Virgilio Almario (1995) Ang wika bilang pahayag-pahiwatig, impukan-kuhaan at daluyan ng kabuuan ng isip, damdamin, gawi, kaalaman, at karanasan ng isang kalipunan ng tao. -Zeus Salazar, Ukol sa Wika at Kulturang Pilipino (1996)   WIKANG FILIPINO SA NEGOSYO AT INDUSTRIYA “nais q po sna hmingi ng payo ab0ut s knkharap namin ng mr q0 tungk0l s